Pregnancy

Sintomas ng Buntis at Kailan Ito Maaaring Mangyari

Simula pa lang noong teenagers pa lang tayo, paulit-ulit na tayong nire-remind ng mga mas nakakatanda sa atin na ang consequence ng sex ay ang pagbubuntis. Naranasan na ito ng ating mga nanay, pero paano naman kapag tayo na ang nabuntis? Mag-aalala tayo dahil wala tayong ideya kung gaano ito kahirap o kasakit. Pero bago ang lahat ng iyan, anu-ano nga ba ang mga sintomas ng buntis?

Sintomas ng Buntis sa First Trimester

Sa first trimester, wala pang baby na makikita ang mga OB-GYN. Sa panahong ito, nagsisimula pa lang mag-develop ang embryo. Samakatuwid, hindi ganoon kadaling malaman, lalo na sa unang linggo pa lang, kung ikaw ba ay nagdadalangtao na o hindi pa.

Source: Wikimedia Commons

Week 1

Sa panahong ito, ang mga sintomas na mararamdaman mo ay halos kaparehas lang din ng mga na-eexperience mo pag may period ka. Ang mga sintomas na ito ay mararamdaman mo mula sa loob ng tatlo hanggang pitong araw.

Vaginal Bleeding

Mararanasan mo ito dahil naglalagas ang iyong uterine lining. Kumbaga, tinatanggal na ng katawan mo ang mga unfertilized egg simula pa noong huling buwan at gumagawa ng bagong lining para sa bagong egg sa susunod na buwan.

Pananakit ng Likod at Cramps

Dahil nga naglalagas ang uterine lining, nagkocontract na ang iyong uterus na siyang dahilan ng cramps at pananakit ng likod.

Bloating

Mararamdaman mo rin na parang lagi kang busog. Ito ay dahil sa pag-fluctuate ng hormones na dulot ng pagbubuntis. Ang bloating ay nararanasan din bago at habang ikaw ay nireregla.

Mood Swings

Isa pang resulta ng pag-fluctuate ng hormones ay ang pagakakaroon ng mood swings. Normal sa stage na ito ang makaramdaman ng matindi at mabilis na pagbabago sa iyong mga emosyon.

Pananakit ng Ulo

Source: Piqsels

Karamihan din sa mga kababaihan ang nakakaranas ng menstrual migraines. Isa na naman ito sa mga resulta ng pagbabago sa hormones ng isang babae kapag nagbubuntis.

Week 2

“Egg White” Cervical Mucus

Ang cervical mucus sa mga panahong ito ay nagiging manipis at malinaw na para bang puti ng itlog. Dahil sa pagbabagong ito, nagiging mas madali para sa mga sperm na makarating sa iyong egg.

Mas Matalas na Pang-amoy

Isa rin ito sa mga resulta ng hormonal changes sa iyong katawan.

Paglaki at Pananakit ng Suso

Source: Peakpx

Sa stage na ito, mapapansin mong lumalaki ang iyong suso. Mas mararamdaman mo na ang mga pagbabago sa iyong katawan habang naghahanda ito sa iyong pagbubuntis.

Pelvic Ache

Habang nagrerelease ng egg cells ang katawan mo, makakaramdam ka ng kaunting pananakit o pagkirot sa iyong tiyan. Ito ang tinatawag na “Mittelchmerz.”

Light Spotting

Tulad ng nabanggit natin kanina, makakaranas ka ng kaunting pagdurugo. Ginagawa ito ng iyong katawan upang malagas ang mga follicles sa iyong egg cell.

Paglakas ng Libido at Pagbabago sa Cervix

Source: Peakpx

Resulta rin ito ng pagbabago sa iyong hormones. Mararamdaman mo rin na tumataas, lumalambot, at lumuluwag ang iyong cervix.

Week 3

Implantation Bleeding

Mararanasan mo ito kapag nagtagpo na ang sperm cell at egg cell sa proseso ng fertilization. Duruguin ka dahil nasisira ng egg cell ang walls ng uterus habang naglalakbay ito patungo rito.

Pagsusuka

Makakaranas ka rin ng pagsusuka anumang oras sa isang araw.

Pagbabago sa Suso

Bukod pa sa paglaki ng iyong suso, magbabago rin ang iyong utong. Mangingitim ito habang naghahanda ang iyong katawan sa pagdating ng iyong baby.

Delayed na Regla

Source: Wikimedia Commons

Panghuli, magmimintis ang iyong regla kapag ang egg cell ay na-fertilize na.

Week 4

Source: MedicalGraphics

Gaano na nga ba kalaki ang iyong baby sa linggong ito? Ang sagot diyan: mas maliit pa sa buto ng munggo. Microscopic pa lang ang laki ng iyong baby dahil binubuo pa lamang siya ng mga cells sa panahong ito. Ang tawag sa kanya ay blastocyst. Dito pa lang nagsisimulang mag-adapt ang baby mo sa kanyang pansamantalang tahanan, ang iyong sinapupunan.

Ang mga sintomas na mararanasan mo sa panahong ito ay halos kapareho lang din ng mga naranasan mo noong weeks 1–3 dahil naghahanda pa ang iyong katawan sa mga mas malalaking pagbabago sa mga susunod na linggo.

Week 5

Sa panahong ito, isang buwan ka ng buntis! Sigurado na ang pagbubuntis mo, at lahat ng mga sintomas na nabanggit kanina ay mas titindi pa. Hindi na rin microscopic ang laki ng baby mo. Siya ay 0.13 inches na mula ulo hanggang puwit.

Pananakit ng Suso at Morning Sickness

Kahit nakapag-adjust na kahit paano ang iyong suso sa iyong pagbubuntis, mas titindi ang paghapdi nito. Karaniwang sintomas ng buntis din sa mga babaeng 5 weeks na buntis ang pagsusuka.

Matinding Pagod

Source: Flickr

Mas madali ka nang mapapagod pagsapit ng week 5 dahil nga sa lahat ng pagbabago sa iyong katawan. Sa panahong ito, wala kang ibang kailangang gawin kundi bumawi ng tulog.

Madalas na Pag-ihi

Ito ay bagong sintomas sa linggong ito. Mas dadalas ang pag-ihi mo dahil habang nag-eexpand ang katawan mo upang bigyang puwang ang iyong baby, sumasabay rin ang pag-expand ng kidneys.

Cramps

Sa week 5, asahan din ang pagtindi ng cramps. Ito ay maaaring dulot ng pag-implant ng iyong baby sa iyong uterus at paglaki nito.

Spotting

Linggo-linggong mararanasan itong sintomas ng buntis. Tulad ng cramps, maaaring sintomas ito ng matagumpay na implantation. Tandaan na spotting, hindi bleeding, ang sintomas ng buntis sa week 5.

Source: PxHere

Week 6

Ang size ng baby mo sa linggong ito ay 0.25 inches. Oo, lalong lumalaki ang baby sa bawat linggong lumilipas!

Hindi mawawala ang mga sumusunod na sintomas sa week 6:

  • Fatigue
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng suso
  • Madalas na pag-ihi
  • Mood swings
  • Cramps
  • Spotting

Asahan ang pagdalas at pagtindi ng mga nabanggit na sintomas sa bawat linggo.

Gas at Bloating

Source: Flickr

Maliban sa bloating na huli mong naranasan noong week 1, makakaranas ka rin ng gas pains dahil sa mga pagbabago sa iyong tiyan. Prone to constipation din ang future moms sa panahong ito, kaya ugaliing uminom ng maraming tubig at kumain ng high-fiber foods.

Week 7

Kasing laki na ng blueberry ang baby mo pagdating ng week 7. Mga 0.51 inches na ang laki nito. Kahit na hindi pa ganoong kapansin-pansin ang baby bump mo, ang importante ay lumalaki at nagdedevelop ang baby mo.

Pagsusuka, Cramps, Mood Swings, Madalas na Pag-ihi, at Spotting

Reccurring na sintomas ng buntis talaga ang pagsusuka. Asahan na mas matindi ito ngayon kumpara sa naranasan mo noong mga nakaraang linggo. Normal din ang cramping at spotting. Huwag umasang mawawala ang sakit na ito sa lalong madaling panahon.

Paglilihi

Maaari mong maramdaman na para bang sobrang takaw mo o parang may gusto kang kaining mga pagkain na hindi mo naman madalas o gustong kainin bago ka mabuntis. Maaari ring mangyari na pinandididrihan mo ang mga paborito mong pagkain noong hindi ka pa buntis. 

Normal lang ang lahat ng ito. Sa katunayan, paraan ito ng iyong katawan upang pigilan kang kumain ng mga pagkaing maaaring magpahamak sa iyong baby.

Kahit mahirap kumain, lagi pa ring tandaan na maselan na panahon ang pagbubuntis. Ugaliing kumain ng healthy foods!

Tigyawat

Source: Pixabay

Ito ay bagong sintomas ngayong linggo. Kahit na sanay ka nang gumamit ng kung anumang beauty or skin care products bago ka pa magdalang-tao, kailangan maging maingat pa rin sa paggamit ng mga ito habang nagbubuntis.

Paglalaway

Ito rin ay bagong sintomas sa linggong ito. Ito ay dulot ng hormonal fluctuations sa katawan ng buntis, ngunit hindi lahat ay makakaranas nito. Epekto rin ito ng madalas na pagsusuka o pagsakit ng ulo.

Week 8

Congratulations, 8 weeks pregnant ka na! Sa panahong ito, ang iyong baby ay tumitimbang ng 0.025 pounds.

Pananakit ng Suso, Cramps, Spotting, Fatigue, at Morning Sickness

Source: Pixabay

Ito pa rin ang recurring symptoms sa week 8. Mas unbearable ang fatigue sa panahong ito dahil sa mga malalaking pagbabago sa iyong katawan.

Maselang Pang-amoy

Iba ito sa pagtalas ng pang-amoy na naranasan mo noong week 2. Ibig sabihin nito ay nagiging mas sensitive ang pang-amoy mo. Halimbawa, ang mga bagay na mabango sa iyo bago ka mabuntis ay magiging mabaho. Maaari rin itong mag-trigger ng pagsusuka.

Constipation

Ang constipation ay resulta ng pag-constrict ng reproductive organs ng isang babaeng buntis. Hindi ito karaniwang sintomas ng buntis. Mga 50% lang ng mga nanay ang nakakaranas nito, ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi mo ito dapat pansinin.

Weird na Panaginip

Source: Flickr

Wala masyadong mga pag-aaral sa kung ano ang nagdudulot nito, ngunit maaari nating ipagpalagay na may koneksyon ito sa pagdadalang-tao. Lahat ng anxiety and stress na nararamdaman ng isang buntis ay nakaka-apekto sa kanyang panaginip.

Week 9

Sa linggong ito, ang iyong baby ay kasinlaki at kasimbigat ng cherry, sa sukat na 0.9 inches and 0.04 pounds. Umabot na sa month 3 ang baby mo; ibig sabihin, hindi na siya embryo. Isa na siyang fetus!

Fatigue, Morning Sickness, Madalas na Pag-ihi, Mood Swings, at Pananakit ng Ulo

Ang mga recurring symptoms na ito ay aabot na sa sukdulan sa week 9. Ang pinakamadaling solusyon dito ay magpahinga at matulog.

Nasal Congestion

Source: Scott Air Force Base

Hindi ito karaniwang sintomas ng buntis, pero ito ay dulot ng mataas na mucus production na siya namang epekto ng hormonal changes at excessive body secretions habang nagbubuntis.

Week 10

Sa panahong ito, mas kapansin-pansin na ang iyong baby bump! Kasilaki na rin ng strawberry ang baby mo ngayon. Dahil diyan, makakaranas ka ng matinding pisikal na pagbabago.

Round Ligament Pain

Ang mga ligaments sa iyong tiyan ay magdudulot ng matinding pananakit. Ito ay dahil nag-aadjust ito sa paglaki ng iyong baby. Hindi lahat ng buntis ay mararansan ito, pero marami sa mga nakaranas ay nagsabing lubha itong masakit.

Vaginal Discharge

Ito ay dulot ng mabilis na pagdaloy ng dugo at estrogen production sa iyong katawan. A normal vaginal discharge ay malinaw at walang amoy. Ang tawag dito ay “leukorrea.”

Visible Veins

Source: Joint Base Elmendorf

Dahil nga lumalaki na ang baby, nangangailangan na rin siya ng mas maraming nutrisyon. Isa sa mga pangangailangan na ito ay ang dugo. Ang pagkakaroon ng visible veins ang epekto nito.

Week 11

Sa linggong ito, ang head-to-body ratio ng iyong baby ay 1:1. Senyales ito na lumalaki ang iyong baby!

Mood Swing, Vaginal Discharge, Gas Pains, Leg Cramps, Fatigue, at Pagsusuka

Kapansin-pansin na bumabalik na naman ang sintomas na pagsusuka at fatigue. Normal lamang ito dahil lumalaki na ang bata sa iyong tiyan. Nauubos na ang enerhiya na mayroon ka, kaya dapat lang na lubos na magpahinga.

Pangingitim ng Balat

Source: Flickr

Ito ay isang kakaibang sintomas na madalas na nagpapakita sa ibang mga nagdadalang-tao pagsapit ng week 11. Ito ay tinatawag na “linea nigra.” Parte lamang ito ng pagbubuntis; ibig sabihin, hindi ito permanente, kahit na madalas ay nananatili ang linea nigra matapos manganak. Dulot ito ng hormonal fluctuations at pagpapasuso.

Week 12

Sa linggong ito, ang iyong baby ay sinlaki na ng sirwelas! Lahat ng internal organs niya ay developed na, at ang trabaho na lang ng nanay ang panatilihin ang lubos na paglaki ng baby. Humihina na rin ang sintomas ng pagbubuntis dito.

Mood Swings at Fatigue

Ang mga ito ay magsisimula nang mawala sa week 12. Ito ay dahil sa unti-unti nang nagsi-stablize ang hormones mo. Nagsisimula na ulit bumalik sa normal ang internal conditions mo.

Increased Discharge

Source: Public Domain Files

Katulad ng nabanggit kanina, isang sintomas ng pagbubuntis ang vaginal discharge, ngunit pagsapit ng week 12, mas magiging madalas ang vaginal discharge. Nagsisilbi itong proteksyon sa impeksyon. Ibig sabihin, habang nagdidischarge ka ng vaginal fluids, mas lumalaki ang tiyansang nagkakaroon ka ng healthy pregnancy.

Spotting

Maaaring mabawasan na ang symptoms tulad ng mood swings at pagsusuka, pero mararanasan pa rin ang spotting paminsan-minsan, bagaman di na ito sindalas ng dati. Ganunpaman, kailangan pa ring masigurado na walang kasamang cramps ang spotting para sa kaligtasan ni baby.

Pananakit ng Ulo at Pagkahilo

Normal at madalas ang pagkakaroon ng sakit ng ulo sa week 12. Sakit ng ulo ang isa sa mga epekto ng mga minor hormonal shifts bukod sa stress, pagbaba ng blood sugar, dehydration, at kawalan ng tulog.

Kasabay ng sakit ng ulo ay ang dizzy spells. Sa week 12, magiging madalas na rin ang pagkahilo. Ang solusyon sa dalawang sintomas na ito ay ang pag-iwas sa lahat ng bagay na nagiging sanhi nilang dalawa.

Week 13

Congratulations, umabot ka na sa huling linggo ng first trimester! Sa panahong ito, kasinlaki na ng lemon ang baby at proportionate na rin ang kanyang body structure. Na-develop na rin ang kanyang fingerprints, vocal chords, at mga ngipin! Ito na rin ang simula ng second trimester.

Visible Veins

Tulad ng nabanggit, ito ay duloy ng pagbilis ng daloy ng dugo habang ito ay naghahatid ng nutrisyon sa baby.

Increase in Energy

Source: PxHere

Titigil na ang pagsusuka sa linggoing ito. Hindi niya na rin kailangan ng maraming tulog sa mga panahong ito.

Sintomas ng Buntis sa Second Trimester

Sa yugtong ito, makabubuti sa buntis na mag-exerceise dahil bumalik na ang kanyang sigla. Mas malaki na rin ang kanyang baby bump. Dahil dito, ang second trimester ng pagbubuntis ay binansagang “honeymoon phase.”

Week 14

Sa week na ito, kasinlaki na ng peach ang baby. Bumibilis na rin ang kanyang paglaki.

Round Ligament Pain

Source: Pexels

Makakaranas ang moms-to-be ng pananakit sa mga kasu-kasuan. Ito ay para magbigay daan sa paparating na bata mula sa sinapupunan. Kung may cramps man na maramdaman ang isang ina, normal lamang ito. Magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng matinding cramps.

Sigla

Unti-unti nang naibabalik lahat ng enerhiyang nawala mula sa iyo noong first trimester. Maiging iinvest ang energy na ito sa exercise.

Maganang Kumain

Totoo na mas tumatakaw ang isang ina sa week 14. Ito ay dahil kinakailangan ng katawan mo ng pagkain para sa growth ng iyong baby. Ganunpaman, kailangan pa rin iwasan ang greasy at fatty foods. On average, kailangang kumain ng isang buntis ng extra 300 calories bawat araw mula week 14.

Thicker, Shinier Hair

Source: Wikimedia Commons

Ang pagkakaroon ng flowy hair habang nagbubuntis ang isa sa mga attractive side-effects ng pagbubuntis.

Week 15

Ang 15-week old baby mo ay 4 inches and 0.16 pounds na. Mas nagiging normal na rin ang growth ng body parts ng baby.

Increased Libido

Mas magiging madalas ang sexual urges mo dahil sa paglaki ng bata at sa residual hormonal changes.

Nosebleeds and Swollen Gums

Dahil sa increased blood flow, mas nagiging sensitive ang nasal openings.

Heartburns, Gas, and Indigestion

Residual hormonal changes din ang nagdudulot nito. Para maiwasan, mag-intake ng antacid and kumonsulta sa iyong doktor.

Shortness of Breath

At dahil lumalaki na nga ang baby, malaki na ang sinasakop niyang espasyo sa iyong katawan kung kaya’t nahihirapan kang huminga.

Week 16

Source: Max Pixel

Mararamdaman mo na ang pagsipa ng iyong baby! Ang sukat niya ay 4.6 inches at 0.22 pounds. 

Backaches

Isa itong after-effect ng pregnancy hormones noong first trimester. Para masolusyunan, mag-perform ng standing at sitting exercises.

Bigger Breasts

Hinahanda na ang iyong dibdib para sa breastfeeding.

Constipation

Dahil sa paglaki ng tiyan, umaabot na ang uterus sa intestines.

Forgetfulness

Ito rin ay tinatawag na “pregnancy brain.”

Week 17

Maaari nang malaman ang gender ng baby sa week na ito!

Weird Dreams

Source: Public Domain Pictures

Tulad ng sintomas na ito noong first trimester, magkakaroon ka pa rin ng weird dreams. Ngayon, hindi na ito dahil sa stress or anxiety ng pagbubuntis kundi dahil sa matinding excitement.

Itchy Breasts and Belly

Dahil nga increased ang blood flow, mas nagiging sensitive sa lahat ang nanay. Kasama na dito ang pagkakaroon ng sensitive skin. Huwag itong kamutin. Magtanong na lamang sa doktor kung ano ang magandang skin cream para maiwasan ang pagsusugat.

More Rapid Weight Gain

Ang normal na weight gain ay 5–10 pounds sa week 17. Ito ay dahil nagkakaroon ng weight gain ang nanay na 1–2 pounds noong second trimester.

Stretch Marks

Dulot ito ng paglaki ng tiyan. Isa rin ito sa mga hindi maiiwasang epekto ng pagbubuntis.

Week 18

Sa linggong ito, matulog nang nakatagilid, hindi nakatihaya. Malaki na ang iyong baby, kaya’t kaunting pressure lamang sa iyong veins ay magdudulot ng pagbaba ng blood pressure.

Varicose Veins and Trouble Sleeping

Source: Flickr

At dahil nga lumalaki na ang bata, nagkakaroon ng mas matinding pressure sa circulatory system na siyang sanhi ng pagkakaron ng varicose veins. Ang dapat na gawin pag-eexcercise, hind pagsuot ng masisikip na damit, at pagpapalit ng sleeping positions.

Baby Kicks

Mas magiging frequent at definite na ang galaw ng baby sa loob ng tiyan.

Week 19

Kasing laki na ng mangga ang baby sa linggong ito. Sa ultrasound, maaari na rin makita ang buong katawan ng bata, hindi lamang ang kanyang gender.

Hip Pains

Dulot ito ng hindi sapat na tulog at maling posisyon sa paghiga. Gumamit ng unan sa gitna ng legs.

Week 20

Kasinlaki na ng saging ang iyong baby! Siya ay 6.2 inches na mula ulo hanggang puwit. Mararanasan mo pa rin ang mga sintomas mula week 14.

Week 21

Mararamdaman mo na ang paggalaw ng inyong baby. Siya ay 10.5 inches na.

Braxton Hicks Contractions

Ito ay nararamdaman bilang paghahanda sa panganganak. Nagprapractice na ang katawan para sa labor. Mas sumisikip din ang uterus.

Leaky Boobs

Nadedevelop na ang milk ducts para sa breastfeeding kung mapa-aga ang iyong panganganak.

Week 22

Outtie Belly Button

Source: Pxfuel

Ang puson ay normal na nasa loob ng katawan. Ngunit dahil lumalaki ang iyong katawan, natutulak palabas ang puson.

Week 23

Mukha ng tao ang iyong baby. Hindi ka na makakaramdam ng fatigue at pagsusuka mula ngayon.

Week 24

Ang mga sintomas sa linggong it ay ang mga sumusunod:

  • Linea nigra
  • Stretch marks
  • Back aches
  • Swollen ankles or feet

Week 25

Kahit na bumabalik na ang lakas mo, makakaramdam pa rin ng kaunting pagkapagod dahil sa pagbigat at paglaki ng baby.

Heartburn, Contractions, Bloating, Frequent Urination, Constipation, and Trouble Sleeping

Dadalas ang pag-ihi dahil lumalaki na ang bata at naaapektuhan na ng kaniyang paglaki ang iyong bladder.

Hemorrhoids

Ito ay dulot ng pagtulak ng baby sa iyong digestive tract at dahil na rin sa constipation. Ang mainam na gawin ay umiwas sa maaanghang na pagkain.

Week 26

Sa week 26, ang senses ng iyong baby ay fully developed na! Ikaw naman ay makakaranas ng high blood pressure, swelling, contractions, forgetfulness, trouble sleeping, and headaches

Week 27

Nagkakaroon na ng sariling pag-iisip ang bata at natututo na rin siyang huminga sa mga oras na ito.

Snissing, Swelling, Back Aches, Constipation, Hemorrhoids, Skin Changes, Leg Cramps, and Constipation

Source: Public Domain Pictures

Dahil nga sa paglaki ng bata, natutulak ang bladder. Kaya naman kahit konting pressure lang, hindi maiiwasan ang basta na lang maihi. Isang pagkakataon na ganito ay ang “snissing” o ang pag-ihi habang bumabahing.

Sintomas ng Buntis sa Third Trimester

Sa panahon na ito, puro sintomas na lamang ng papalapit na panganganak ang mararamdaman, pero tuloy-tuloy pa rin ang paglaki ng bata kada linggo.

Weeks 28–32

Lahat ng senses ng baby ay magiging fully developed na sa week 31!

Trouble Sleeping, Shortness of Breath, Aches and Pains, Contractions, Vaginal Discharge, Darker Areolas and Leaky Boobs

Nabanggit na kanina na ang vaginal discharge ang nagproprotekta sa reproductive organ ng isang ina. Ang pag-itim naman ng utong ay sign na unti-unti nang nakakapag-produce ng gatas ang nanay para sa breastfeeding.

Weeks 33–37

Sa mga linggong ito, naririnig na ni baby ang outside world.

Overheating

Ito ay resulta ng pagkakaroon ng mataas na metabolic rate.

Blurry Vision

Ang panlalabo ng mata ay normal na sintomas na malapit nang lumabas ang baby. Ito ay dulot ng kawalan ng tulog, hormones, at fluid buildup.

Pelvic Pain and Better Breathing

Kaya mas umaayos na ang paghinga ng mom-to-be ay dahil malapit nang lumabas ang bata sa pelvis. Ito rin ang dahilan kung bakit kahit papaano ay makakaramdam din ang ina ng pelvic pain or discomfort.

Changes in Vaginal Discharge

Normal na senyales lamang ito ng papalapit na panganganak. Ito ay minsan epekto ng mucus plug na senyales din na malapit na mag-labor ang ina. Ang vaginal discharge ay maaaring watery, may halong kakaunting dugo, o mucus-like.

Nausea and Spotting

Spotting ang isang senyales na nagiging mas sensitive na ang reproductive organ ng nanay. Bumabalik naman ang pakiramdam na nausea na mararanasan anumang oras na papalapit na ang delivery date ng baby.

Weeks 38–42

Source: Pxfuel

Sa mga linggong ito, nananatili ang baby malapit sa pelvis. Handa na siyang lumabas kaya naman natatamaan niya ang mga veins at nerves malapit sa pelvis. Full term na ang baby, at ang official deadline ng kanyang panganganak ay sa week 40. Pagdating ng week 42, ito na ang tinatawag na “post-delivery.”

Mommy, marami kang pinagdaanan sa loob ng 10 buwan. Magiging ganap na ina ka na! Laging tandaan na ang mga sintomas ng buntis ay senyales ng paglaki ng bata. Maging responsable at alagaan ang iyong sarili sa oras na malaman mong ikaw ay nagdadalang-tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *