Gusto lang naman ng mga mommies na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga baby. Kaya lahat ng posibleng pamahiin, gagawin o iiwasan nila. Marami rin silang ritwal na ginagawa para lang sa ikaliligtas ng isang mommy-to-be at ng kanyang baby. Sabi nga nila, “Better be safe than sorry.” Pero dapat ba talagang paniwalaan ng mga mommies ang mga pamahiin sa buntis?
Bigyan natin ng kalinawan ang ilan sa mga pamahiin na madalas naririnig ng mga soon-to-be-mommies. Ang mga babanggitin na pamahiin sa buntis ay ilan lamang sa marami pang paniniwala na ginagawa ng mga Filipina mommies.
Mga Pamahiin Kapag Ikaw Ay Buntis
1. Huwag Magsuot ng Kwintas Sa Buntis
Sabi nila, magsuot na ang buntis ng kahit ano para kontra bati sa masasamang espiritu at aswang, huwag lang kwintas. Ang pagsusuot daw kasi nito ay magreresulta sa pagkakaroon ng cord coil sa tiyan. Ganito din ang kinatatakutan ng mga mommies kapag nagpupulupot ng towel sa leeg.
Hindi ito totoo. Ang dahilan ng pagkakaroon ng cord coil ay sa pagkilos ng baby sa tummy, at walang kinalaman ang kwintas dito.
2. Bawal Kunan ng Litrato; Mahihirapang Manganak
Itong pamahiin na ito ay madalas hindi pinapansin o tinatawanan lang ng mga mommies dahil wala itong kinalaman sa kalusugan ng buntis. Kung tutuusin, marami ngang mommies ang mahilig mag-selfie, pero healthy naman ang babies nila. Tanging ang gynecologist lamang ang makakapagbigay ng reseta tungkol sa kalusugan niyo ni baby.
3. Huwag Tumambay sa Pintuan; Mahihirapang Manganak
Parehas din ito sa paniniwalang huwag umupo ang buntis sa hagdan dahil baka makunan o mahirapang manganak. Siguro ang posibleng dahilan kaya sinabi ito ay para mag-ingat lagi ang buntis sa pag-akyat at pagbaba ng hagdanan.
4. Kung Ano ang Kinain Ay Siyang Bunga
Kapag kumain ng mangga ang buntis, magiging itsurang mangga ang kanyang baby. Ang pamahiin na makakaapekto sa pisikal na anyo ng baby ang anumang kine-crave o kinahihiligang kainin ng mommy ay walang basis. Ang totoo nito ay ang magiging physical features ni baby ay nakabatay sa genes ng mag-asawa.
Kaya pinapayuhan lagi ang buntis na kumain lagi ng masustansiyang pagkain, gaya ng gulay at prutas, para maging malusog ang baby. Huwag rin kalimutan ang mental health, dahil kasinghalaga din ito ng physical health.
5. Kapag Kumain ng Kambal na Saging, Kambal Din ang Magiging Anak Niya
Ayon sa kasabihan, kailangan paghiwalayin muna ang magkadikit na saging sa likod bago kainin ng buntis. Wala itong katotohanan dahil wala namang basis ang paniniwalang ito. Gaya ng nabanggit sa number 3, ang sanhi lamang ay ang genes mula sa mag-asawa at napapasa ito sa baby o kaya sa mga iniinom na gamot o fertility treatments. Minsan dahil din ito sa mga patabang ginamit sa saging habang ito ay pinapalaki.
Dapat pa nga ay kumain sila lalo ng mga prutas gaya ng saging dahil malakas ito sa nutrition at kailangan ito lalo ng baby niya.
Iba Pang Mga Pamahiin sa Buntis
6. Huwag Kumain ng Malalagkit na Pagkain; Mahihirapang Lumabas ang Baby
Gaya ng number 4, walang scientific basis na ang pagkain ng malagkit na pagkain ay magpapahirap sa paglabas ng baby sa tummy ng mommy. Ang mga kakanin gaya ng bibingka, ube halaya, at iba pa ay natutunaw sa tiyan ng mommy. Walang kinalaman ang kahit na anong kinain sa magiging itsura ng baby.
7. Maglilihi ang Asawa Kapag Hinakbangan Habang Natutulog
Para maglihi ang asawa, hakbangan mo raw siya ng tatlong beses habang siya ay natutulog. Dapat hindi ito halata para gumana ito. Naiintindihan naman natin na excited ang mga daddies-to-be, pero walang nagpapatunay na ito ay gumagana talaga.
Mayroon ding ibang bersiyon ito, kung saan sinasabi na kapag hinakbangan mo ang asawa mo, malilipat sa humakbang ang paglilihi. Walang katotohanan ito. Ang mga lalaki, kapag masyadong maraming kinakain o nagke-crave ng pagkain bigla, dahil ito sa pressure o stress na nararamdaman. Imposible ding maglihi ang lalaki dahil wala silang matres.
8. Bawal Uminom ng Malamig na Tubig
Ayon sa kasabihan, kaya bawal uminom ng malamig na tubig ang buntis dahil lumiliit daw ang ugat sa ilong at lalamunan. Mahihirapan dumaloy ang dugo sa katawan at magiging sanhi ito ng sakit ng mga maraming buntis. Pero ano ba talaga ang totoo?
Ayon kay Dr. Tinulo Ajayi, isang Nigerian gynecologist, wala itong basehan at mali ang ganitong pamahiin. Kung tutuusin, mas mainam nga na uminom ng malamig na tubig ang buntis para mapagalaw ang bata sa sinapupunan niya.
Importanteng uminom ng tubig ang buntis para maiwasang magkaroon ng deep venous thrombosis o blood clot sa binti. Sabi rin, kapag nararamdaman ng mommy na hindi na gumagalaw ang bata, dapat siyang uminom ng tubig para mapagalaw ito.
9. Huwag Maligo ng Malamig na Tubig O Maligo sa Gabi
Kapag naligo daw ang buntis sa gabi, maaaring makunan siya. Walang basehan ang ganitong pamahiin na ito, sapagkat ito ay dapat gawin lagi ng buntis. Ayon sa isang aral, laging mainit ang pakiramdam ng buntis, at dahil ito sa amniotic fluid. Kailangang ibalanse ito sa pamamagitan ng pagligo lagi.
10. Magsabit ng Bawang Sa Pinto Ng Bahay
Pinakakilalang pamahiin ito sa Pilipinas. Ito ang nakasanayang kultura, dahil talamak ang aswang, tiktik, manananggal, at iba pang mythical creatures sa Pilipinas. Ang tiktik ang pinakakilala na nambibiktima ng buntis dahil sinisipsip ng dila nila ang tiyan ng buntis para makain nila ang baby na nasa tiyan nila. Ang paniniwala ng karamihan, ang bawang ay may malakas na elemento para mapalayo ang mga masasamang espiritu gaya ng tiktik. Ngunit walang patunay na sila ay totoo.
11. Huwag Pumunta sa Burol O Lamay
Ayon sa kasabihang ito, kapag pupunta ang buntis sa lamay, huwag siyang sisilip sa patay dahil maninigas daw ang baby sa tiyan at mahihirapang manganak ang buntis, o kaya makukunan siya. Parehas lang din daw ito sa paniniwala na huwag pumunta ang buntis sa sementeryo, kasi maninigas daw ang baby. Hindi rin maitugma ito sa kalusugan ng mommy.
Walang medical basis para dito, pero ang posibleng dahilan na hindi ine-encourage na pumunta sa lamay o burol ang buntis ay para hindi sila mapuyat.
12. Bawal Uminom Ng Softdrinks.
Pwede ba ang softdrinks sa buntis? Ayon sa kasabihan, kapag uminom ng softdrinks ang buntis, lalaki ito na matigas ang ulo. Hindi mahanap ang relasyon nito sa pag-inom ng softdrinks. Pero hindi ine-encourage ng mga gynecologist na uminom ng softdrinks, dahil walang sustansiya na maibibigay sa katawan ang carbonated drinks. Advisable na puro tubig at juice lang ang inumin ng mga mommies-to-be para malakas at masigla ang magiging baby nila.
May mga aral na sinasabi na kapag uminom ng 200 miligrams ng inumin na may caffeine ay may malaking epekto na sa baby at posibleng makunan. Kung hindi maiwasan uminom ng may caffeine gaya ng kape, uminom ng decaffeinated drinks.
13. Bawal Magalit; Magiging Pangit ang Bata Paglabas
Totoo naman na bawal masyado bigyan ng problema ang buntis, dahil mapapahamak ang kalusugan ng baby niya. Kaya may paniniwala na magiging depressed o pangit ang baby paglaki kapag siya ay pinaglihi sa sama ng loob.
Ngunit wala namang basehan na magiging pangit ang baby paglaki niya. Ang emotional at psychological na nararamdaman ng mommy ay makakaapekto din sa baby. Isa sa mga epekto nito ay premature birth o panganganak ng mas maaga sa expected date of delivery. Kaya laging pinapayuhan ng mga gynecologists ang mga mommies na maging kalmado lagi at iwasang gumawa ng mga trabaho na nakakadulot ng stress.
14. Kung Ano ang Pinapakinggan na Musika ng Buntis, Iyon Din ang Kahihiligan ng Bata Paglaki
Magiging matalino daw ang baby paglaki kung pinapakinig mo sa kanya ang classical music. Sabi din, magiging musically inclined sila paglaki nila dahil dito. Hindi confirmed ang ganitong teorya, ngunit malaki ang maitutulong ng musika para sa isang mommy-to-be na may mood swings at maraming nararamdaman na emosyon na walang dahilan.
15. Bawal Kainin ang Natirang Pagkain Dahil Aantukin Ka
Hindi mahanap ang ugat na dahilan kung bakit aantukin ang isang tao kapag kumain ng tirang pagkain ng isang buntis. Wala ring lohikal na dahilan para mapasa ang antok sa ibang tao. Ang pagbubuntis ay hindi malubhang karamdaman para mahawa ang isang tao. Hindi sanhi ng antok ang pagkain ng tirang pagkain nila.
16. Dapat maligo ng suka kapag lumindol
Marami ang nagtatanong kung ano gagawin ng buntil kapag lumindol. May pamahiin na dapat daw ay maligo sa suka ang buntis pagkatapos ng lindol para hindi mabugok ang bata. Hindi po totoo iyon. Walang kinalaman ang pagligo sa suka at ang bata sa sinapupunan pagkatapos ng lindol. Ang dapat gawin ng buntis pag lumindol ay humanap ng maluwag na espasyo kagaya ng door frame o kaya manatili sa bath tub habang lumilindol para makasiguradong ligtas.
Pamahiin sa Buntis: Susundin o Hindi
Nakakatuwa man basahin ang iba’t ibang mga pamahiin sa buntis na ito, kagaya ng bakit bawal magtahi sa gabi, marami pa ring naniniwala sa mga ganito. Wala namang masama kung patuloy pa ring maniniwala, ngunit mas mainam na kumonsulta ang mga soon-to-be mommies sa kanilang gynecologist tungkol sa kanilang mga karamdaman, at huwag umasa sa mga sabi-sabi o pamahiin para lang sa ikabubuti ng inyong babies.
Dapat mayroon tayong medical at scientific basis para maging successful ang ating motherhood life. Ito ay para rin maintindihan niyo ang mga bagay na nararamdaman niyo sa inyong katawan at para magkaroon kayo ng ideya kung paano resolbahin ang mga problema habang ikaw ay buntis.
Kung may kilala ka ring dating nagbuntis o may anak na, magtanong din ng mga posibleng gawin para malaman mo kung paano maghanda para sa pagdating ng iyong baby.
Iba Pang Mga Katanungan at Pamahiin
- Bawal ba maglaba ang buntis?
- Bawal ba maulanan ang bagong panganak?
- Ano and pangontra ng buntis sa aswang?
- Effective ba ang pangontra sa aswang para sa buntis?
- Ano ang pangontra sa pagbubuntis?
Commercial Break!
Ikaw ba ay soon-to-be mommy? Check out mo mga highly recommended must-but namin para sa mga beautiful preggies!
Kapag medj malaki na si baby sa ating belly, try mo itong belly support.
Eto talaga must have!!! I can’t emphasize this enough. Kailangan mo to habang buntis ka hanggang manganak, especially kapag magbreastfeeding ka.
Disclaimer: The information on this site is not intended or implied to be a substitute for professional medical advice, diagnosis, or treatment. All content, including text, graphics, images, and information, contained on or available through this website is for general information purposes only. Please see a medical professional if you need help with depression, illness, or have any concerns whatsoever. WE DO NOT OFFER MEDICAL ADVICE, COURSE OF TREATMENT, DIAGNOSIS, OR ANY OTHER OPINION on your conditions or treatment options. SERVICES OR PRODUCTS THAT YOU OBTAIN THROUGH THIS WEBSITE are for information purposes only and not offered as medical or psychological advice, guidance, or treatment.
We also use some affiliate links in this blog to help support the continuous production of wholesome parenting content such as this. 🙂 Feel free to use them to show your support.
FAQs
Ano ang mga bawal sa buntis sa 1st trimester?
Ano ang mga pamahiin na may buntis sa bahay?
Ano ang mga pamahiin na may kinalaman sa buntis at aswang?
Ano ang mga pamahiin sa kasal ng buntis?
Ano ang mga pamahiin sa binyag ng buntis?
Bawal ba pumunta ang buntis sa sementeryo?
Ano ang mga pamahiin sa patay kapag buntis?
Bawal ba magpagupit ang buntis?
Bawal ba ang buntis sa pusa?
Ano ang mga pamahiin sa paglilihi?