do's-and-don'ts-during-pregnancy

Para Sa Mommies: Do’s and Don’ts During Pregnancy


Source: Pxfuel

Upang masigurado ang ligtas na pagbubuntis, kailangang alamin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa panahong ito. Dahil maselan ang panahong ito, maraming mga do’s and don’ts during pregnancy na kailangang tandaan ng isang soon-to-be mommy. Laging tandaan na maaaring makaapekto ang iyong mga ginagawa sa kalusugan mo at ni baby sa loob ng sinapupunan.

Ang isang pinakamahalagang dapat tandaan ay ang mga pagkain o inumin na dapat iwasan kapag nagdadalang-tao. Lahat kasi ng pumapasok sa sistema ng isang buntis ay direktang nakakaapekto sa kalagayan ni baby. Bukod pa roon, kaakibat ng pagbubuntis ay ang mga sintomas na kailangang paghandaang mabuti.

Lalo kung first pregnancy mo pa lang ito, hindi madaling harapin ang mga ito ng walang patnubay at kaalaman. Para sa panimulang impormasyon, narito ang ilang bagay na dapat at hindi dapat gawin sa pagbubuntis. Handog ng Preggy To Mommy ang Do’s and Don’ts During Pregnancy guide na para sa lahat ng soon-to-be mommies!

Do’s and Don’ts During Pregnancy: DO’s

Para masigurado ang maayos na pagbubuntis, narito ang listahan ng mga dapat gawin sa Do’s and Don’ts During Pregnancy guide:

Uminom ng Multivitamins


Source: Wikipedia

Ang pagkain ng balanced diet na ang pinakamabisang paraan para mabigyan si baby ng mga kailangan niyang nutrients. Pero, hindi sapat ang healthy diet lang. Ang pag-take ng multivitamins ang isa sa mga ultimate DO’s sa ating Do’s and Don’ts During Pregnancy guide. Mas mataas kasi ang dose ng vitamins at minerals na kailangan i-take ng isang buntis.

Kaya naman, ang pag-inom ng multivitamins ay makakatulong para mapunan ito. Ang multivitamis ay may mataas na level ng nutrients, katulad ng calcium, iron, at folic acid. Nakakatulong ang mga vitamins na ito sa proper development ng fetus sa sinapupunan. Nilalabanan din nito ang risk ng pagde-develop ng birth defects. 

Mayroong mga vitamins na maaaring makasama sa sanggol. Kaya siguraduhing kumonsulta sa iyong doctor bago bumili ng multivitamis na iinumin. Dagdag pa roon, siguraduhin ding tama ang dosage na iinumin sa isang araw. 

Matulog nang Sapat na Oras


Source: Pxfuel

Demanding ang pagbubuntis lalo na sa final trimester. Kaya naman mahalaga ang sapat na tulog sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Hangga’t maaari, kailangan matulog ng isang buntis nang 7 to 9 hours gabi-gabi. 

Tandaan din na nakakaapekto ang pagbabago sa hormones at anxiety sa tulog ng isang buntis. Kaya siguraduhing mag-stick sa bedtime schedule para masanay ang katawan sa routine na ito. Hayaan mo rin ang sarili na umidlip sa araw kapag nakakaramdam ng antok at pagod ang katawan.

Pumunta sa Regular Screenings

Kasama sa sa mga Do’s and Don’ts During Pregnancy, ay ang regular screenings sa first at second trimester. Dito, ine-examine ang ano mang chromosomal abnormality sa fetus. Sa mga tests rin na ito ina-analyze kung nasa ligtas ang hormone levels sa dugo ng buntis.

Siguraduhing may kasamang pumunta sa mga check-ups na ito para makasigurong may mag-aalalay at susuporta in case of emergency.

Gain Weight Smartly


Source: Pexels

Huwag gawing literal ang kasabihang “eat for two” sa pagbubuntis. Bagamat kailangan ng dagdag na nutrient-intake, hindi ibig sabihin nito ay kailangan mong pilitin ang sarili na kumain nang sobra-sobra.

Kailangang maging strategic sa paggawa ng meal plan pagdating sa pagbubuntis. Isa ito sa mga pinakamahalagang kailangang gawin sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Ang pagiging overweight ng isang buntis ay nakakadagdag sa risk ng diabetes at hypertension.

Karaniwan, kailangan lang ng extra 100 calories ng baby sa first trimester at karagdagang 300 calories pagdating ng third trimester.

Mag-Schedule ng Flu Shot

Maaaring maging severe ang epekto ng flu sa pagbubuntis kumpara sa taong hindi buntis. Mas mataas din ang risk na mag-contract ng iba’t ibang sakit dahil mas vulnerable ang immune system ng isang nagbubuntis. 

Mahalagang magpaturok ng flu shot ang buntis upang maiwasan ang pagco-contract ng influenza. Magsisilbi rin itong proteksiyon para sa nade-develop pa lamang na fetus.

Maging Mindful sa Pagkain ng Seafood


Source: Flickr

Maging choosy sa pagkain ng seafood habang nagbubuntis. Magandang source ng protein, omega-3, at fatty acids na mahalaga sa brain development ang isda. Bagamat puno ito ng nutirents, mayroong ding mga type ng isda na naglalaman ng mercury. 

Maaari ring mag-cause ng problema ang pagkain ng undercooked at hilaw na isda sa pagbubuntis. Kaya kung mahilig kang kumain ng pagkain tulad ng sushi, hangga’t maaari ay limitahan muna ang pagkain nito habang nagdadalang-tao.

Mag-Work Out


Source: Pxfuel

Mayroon pa ring mga naniniwala na kasali sa don’ts ng Do’s and Don’ts During Pregnancy ang page-exercise ng mga buntis. Pero sa katunayan, nakakatulong ang exercise sa paglaban sa mga issue na pwedeng kaharapin ng buntis, katulad ng:

  • Weight gain
  • Mood swings
  • Insomnia
  • Constipation
  • Muscle pain

Maiging kumonsulta sa iyong doktor para sa mga adjustments na kailangang mong gawin sa iyong routine. Mabuting humingi ng guide sa iyong doktor sa isang low-impact na exercise routine na safe at comfortable para sa inyo ni baby.

Practice Yoga


Source: Pixabay

Maganda ang epekto ng yoga para sa maayos na pagbubuntis. Ang mga prenatal yoga classes ay programmed para ihanda ang isang buntis sa panganganak. Pwede kang mag-sign up sa prenatal yoga classes kasama si mister para na rin ma-improve ang inyong bond. Trained ang mga instructors sa mga klase na ito sa kung anong mga pose ang dapat at hindi dapat gawin ng isang buntis.

I-inform si Dok Patungkol sa mga Iniinom na Medicatons


Source: Pxfuel

Laging i-inform ang iyong doktor sa kahit anong medications na iinumin mo. Isa ito sa mga pinakamahalang do’s sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Tandaan na lahat ng iyong medication intake ay maaaring makaapekto o hindi kaya’y makasama sa baby sa sinapupunan. Ugaliing magtanong sa iyong doktor sa mga gamot na pwede at hindi mo pwedeng inumin.

Maging Aware sa mga Sintomas na Ito


Source: Pixabay

Mayroong mga signs at symptoms na pwedeng maging indicator na may mali kay baby o hindi kaya’y sa pagbubuntis. Ilan dito ang:

  • Masakit na pag-ihi
  • Bleeding from the vagina
  • Abdominal pain at cramps
  • Malalang sakit ng ulo
  • Blurred vision
  • Pamamaga ng mukha, kamay, o binti
  • Blurred vision, spots in front of eyes
  • Pangangati ng kamay at paa
  • Pagbagal ng galaw ng sanggol sa sinapupunan

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, tumawag o puntahan kaagad ang iyong doktor. Napakahalaga ng mabilis na pagkilos sa Do’s and Don’ts During Pregnancy para masigurong ligtas ang pagbubuntis. Magtiwala ka sa iyong instinct at umaksiyon kaagad kung kinakailangan.

Visit Your Dentist


Source: Pexels

Pinaniniwalaan noon na ang oral cleaning ay maaaring mag-resulta sa bacteria at infection. Kaya naman sa matagal na panahon kasama sa Don’ts ng Do’s and Don’ts During Pregnancy ang pagpunta sa dentista. Ngunit, ang routine oral health assessment at dental treatment ay importante para sa isang buntis. Maiiwasan nito ang chance ng pagkakaroon ng dental infection. 

Siguraduhing i-inform ang iyong dentista na ikaw ay buntis pagpunta mo sa iyong appointment. 

Sa kabilang banda, ang dental work katulad ng teeth whitening at cosmetic procedures, ay mas mabuting ipagpaliban pagkatapos ng panganganak.

Alamin ang Mga Produktong Kailangang Iwasan ng Bunti


Source: Flickr

Ang mga household cleaning products ay maaaring bawal sa buntis at kailangang iwasan. Naglalaman kasI ang mga ito ng toxic substances na maaaring maging delikado sa pagbubuntis. Ugaliing magbasa ng labels ng kahit anong produktong binibili para masiguro ang mga safety warnings para sa buntis.

Kung kinakailangang gumamit ng panlinis sa bahay, buksan ang mga bintana at pinto upang hindi makulob ang amoy ng kemikal.

Ang mga produktong mayroong naphthalene, katulad ng moth balls at toilet deodorant, ay maaaring makasama sa kalusugan. Ang pagsinghot ng excessive na naphthalene ay maaaring mag-resulta sa fatigue, pagkahilo, at pagsusuka.

Do’s and Don’ts During Pregnancy: DON’Ts

Kung mayroong dapat gawin sa Do’s and Don’ts During Pregnancy, mayroon ding mga dapat iwasan. Narito ang listahan ng mga hindi dapat gawin ng mga mommies habang sila ay nagbubuntis:

Huwag Uminom Masyado ng Kape

Ang pag-inom na kape ay maaaring makapagpataas ng blood pressure at heart rate. Kahit pa sanay ang nagbubuntis sa pag-inom ng kape, hindi pa developed ang metabolism ni baby para i-take ito. Kaya naman hindi ito dapat sa do’s and don’ts during pregnancy. Maaari itong mag-resulta sa pag-travel ang caffeine sa placenta na pwedeng makaapekto at mapabilis ang heart rate ni baby.

Huwag Manigarilyo at Lumayo sa Mga Naninigarilyo

Isang malaking NO sa Do’s and Don’ts During Pregnancy ang paninigarilyo pati na rin ang secondhand smoke. Ang exposure sa usok ng sigarilyo habang buntis ay maaaring mag-resulta ng mga seryosong komplikasyon, katulad ng:

  • Premature delivery
  • Low birthweight
  • Pagkalaglag ng bata
  • Birth defects
  • Still birth

Mas malaki rin ang risk ng mga baby na na-expose sa paninigarilyo noong ipinagbubuntis na mag-develop ng learning disabilities kumpara sa mga buntis na hindi naninigarilyo.

Huwag Uminom ng Alak


Source: Pixabay

Ang isa pang malaking NO sa Do’s and Don’ts During Pregnancy ay ang pag-inom ng alak. Tandaan na WALANG safe amount ng alcohol na pwede mong inumin kapag buntis. Kagaya sa pag-inom ng kape, maaari itong mag-travel sa placenta at mag-resulta sa birth defects.

Kapag alam mo nang ikaw ay nagdadalang-tao, siguraduhing alisin na ang alak at iba pang alcoholic substance sa iyong sistema. Maaaring ipanganak ang sanggol na mayroong fetal alcohol syndrome o FAS kapag umiinom ng alak ang nanay habang pinagbubuntis ito.

Ang ilang sa mga sintomas ng FAS ay:

  • Low birth weight
  • Behavior problems
  • Learning disabilities
  • Lagging growth and development

Kung nangangailangan ka ng tulong sa paghinto sa pag-inom ng alak habang buntis, siguraduhing kumosulta sa iyong doktor. Makakatulong ang mga propesyonal pagdating sa pagbuo ng program para sa alcohol problems. Kung mas maaga mong maaagapan ito, mas malaki ang tsansang lumabas si baby ng malusog at nasa maayos na lagay.

Huwag Magbabad sa Hot Tub

Ang pagbababad sa hot tubs, jacuzzi, at sauna ay nakakataas ng sobrang sa body temperature. Maaari itong makasama sa pagbubuntis dahil ang sobrang init na environment ay may kalakip na risk ng dehydration at pagkahilo. Mas ramdam ng isang buntis ang pag-increase ng blood supply sa balat dahil sa nararanasan nitong hormonal changes.

Ayon sa ilang research, ang pagbababad sa mga high-temperature na environment habang buntis ay maaaring maging sanhi ng birth defects. Bukod pa roon, maaari rin daw itong mag-resulta sa pagkalaglag ng baby habang buntis. Mas delikado ito sa unang 12 linggo ng pagbubuntis kaya naman mabuting iwasan ito sa mga Do’s and Don’ts During Pregnancy. 

Huwag Kumain ng Undercooked na Pagkain


Source: Pixabay

Mahaba ang listahan ng mga hindi dapat kaining ng isang buntis sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Ang pinakamalaking DON’T EAT habang buntis ay ang mga undercooked at hilaw  na pagkain.

Hangga’t maaari, iwasan ang pagkain ng hilaw na seafood gaya ng sushi at oysters. Iwasan din ang undercooked na steak o beef (o iyong medium-rare at rare na luto). Samantala, ang undercooked na manok at itlog naman ay maaaring may dalang salmonella.

Maaari namang magdala ng foodborne illness kagaya ng listeriosis at toxoplasmosis ang mga processed meats katulad ng sausage, cured meats, etc. Nagmumula ito sa mga bacteria na mayroon ang mga pagkain na ito. Mayroon din itong kaakibat na risk ng food poisoning na delikado sa pagbubuntis.

Siguraduhing lutuuin mabuti ang karne bago ito kainin. Nababawasan ng thorough cooking ang risk ng bacterial growth sa karne at protein food. 

Mahalagang maging maalam sa mga pagkain na Do’s and Don’ts During Pregnancy dahil pwedeng itong mag-resulta sa malalang condition. Tandaan na ang kailangang kainin ng isang buntis ay malaking porsyento ng lean protein at healthy fat, pati ang sariwang gulay at prutas.

Huwag Kumain o Uminom ng Unpasteurized Dairy Products


Source: Pikist

Ang isa pang NO sa Do’s and Don’ts During Pregnancy pagdating sa mga pagkain ay ang unpasteurized dairy products. Mahalaga ang calcium para sa growth ni baby, pero ang unpasteurized na dairy ay maaaring maging risk ng sakit.

Ang ibig sabihin ng ‘unpasteurized’ ay hindi ito pinakuluan o ininit. Sa madaling sabi, hindi nito napapatay ang mga bacteria, tulad ng Listeria, na maaaring maging sanhi ng sakit. Delikado rin ito sa sanggol at pwedeng maging sanhi ng birth defects o miscarriage. Ang isang example nito ay ang mga raw milk na nabibili sa grocery o hindi kaya’y direkta sa mga farm.

Huwag Maglinis ng Litter Box ng Pusa


Source: Pexels

Hindi ito gaanong napag-uusapan sa mga importanteng Do’s and Don’ts During Pregnancy. Ang dumi ng pusa ay may dalang toxoplasmosis, na pwedeng magdulot ng impeksyon sa ibang hayop pati na rin sa tao. Kaya naman ang paglilinis ng isang kontaminadong litter box ay maaaring maging delikado para sa isang buntis. Maaari rin itong makuha sa pagbubungkal ng lupa na nakontamina na ng dumi ng pusa.

Mas mataas ang risk nito kapag na-contract ng buntis sa first trimester ng pagbubuntis. Maaari itong magdulot ng seryosong komplikasyon sa pagbubuntis, tulad ng pagkalaglag ng sanggol. May risk din na ipanganak ang baby na may brain damage, eye problem, o learning disabilites.

Kung hindi maiiwasang gawin ito, siguraduhin magsuot ng gloves at maghugas mabuti ng kamay pagkatapos. Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ito ay mag-assign ng ibang tao sa bahay na maglilinis ng litter box ni muning.

Ang mga karaniwang sintomas ng pag-contract ng toxoplasmosis ay: 

  • Mataas na lagnat
  • Sore throat 
  • Muscle pain

Huwag Mag-Participate sa Mabibigat na Sports at Activities

Gaya ng nabanggit kanina, mabuti ang epekto ng page-exercise at pagiging aktibo para sa mga buntis. Ang regular na ehersisyo ay nakakatulong sa relaxation, mas malakas na resistensiya na makakatulong sa labor, at sa pagme-maintain ng timbang. Nakakatulong din ito lalo sa pag-ibsan ng sakit na maaaring makuha sa pagbubuntis katulad ng back pain at varicose veins.

Ngunit mayroong mga mabibigat na sports at activities na hindi nirerekomenda kapag buntis si mommy. Kadalasan, mga moderate at low-impact exercises na hindi hihigit sa 30 minuto ang nirerekomenda para sa mga buntis.

Ang ilang sports at activities na kailangang iwasan kapag nagbubuntis ay: 

  • Scuba diving
  • Contact sports 
  • Horseback riding
  • Extreme sports katulad ng skydiving at bungee jumping
  • Exercising on your back pagkatapos ng first trimester 
  • Matinding exercise sa ilalim ng mainit na panahon
  • Mga activities na sobrang nakakahingal

Isang malaking NO ang mga ito sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Bago sumailalim sa ano mang workout routine at activity, kumonsulta muna kay dok para makasiguradong ligtas ito para kay baby.

Huwag Magpa-Acupuncture at Magpa-Masahe


Source: Pixabay

Inaabisuhan din ang mga buntis na ipagpaliban muna ang pagpapamasahe ayon sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Bagamat mayroong mga masahe na para lamang sa mga buntis, mabuting ipagpaalam muna ito sa iyong doktor bago sumailalim dito.

Kung magpapamasahe man, pumili ng massage parlor na nagke-cater sa iyong kondisyon. At siguraduing malayo sa bandang tiyan ang parteng mamasahihin. Partikular na delikadong mag-pamasahe sa una at huling trimester ng pagbubuntis. 

Katulad ng masahe, may dala ring risk ang ilang acupuncture points na hindi pwede para sa mga buntis. Kung may planong magpa-acupuncture dahil sa pananakit ng katawan, siguraduhing sabihin ang lahat ng impormasyon tungkol dito sa iyong doktor.

Huwag Magpakulay ng Buhok


Source: PxHere

Isa ang pagpapakulay ng buhok sa mga mainit na pinagde-debatehan sa mga Do’s and Don’ts During Pregnancy. 

Nagaganap ang pinaka-mahahalagang development kay baby sa unang 12 linggo ng pagbubuntis. Kaya naman pagdating sa pagpapakulay ng buhok, mas mabuting ipagpaliban muna ito hanggang sa second trimester. Bagamat hindi gaanong maaabsorb ni mommy ang chemicals mula sa hair dye, mas mabuti pa ring maging maingat.

Kapag magpapakulay na ng buhok, maiging i-request sa hairdresser na gumamit ng hindi gaanong matapang na hair dye. Mayroong mga pangkulay na buhok na ammonia-free base o iyong mga  all-vegetable dye.

Huwag Magpa-X-Ray

Ang radiation na galing sa X-ray ay may risk ng birth defects at problema sa development ni baby. Hangga’t maaari, hindi dapat magpa-X-Ray ang buntis at isa ito sa mga prominenteng NO sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Ang kadalasang ginagamit na imaging method para sa buntis ay ultrasound scan dahil mas ligtas ito pagdating sa radiation exposure.

Bukod pa roon, may dalang panganib din ang dental X-ray. Kung kailangang magpabunot ng ngipin o ano mang dental work, siguraduhing ipaalam muna sa dentista na ikaw ay buntis.

Ang repetitive exposure sa raditation na galing sa X-ray ay nakakasira ng cells sa katawan. Pinapataas din nito ang risk ng pagde-develop ng cancer. 

Huwag Magsuot ng Sapatos na May Takong


Source: PxHere

Ipinagbabawal sa mga buntis ang pagsusuot ng mga may takong na sapatos, lalo na ang mga stilettos. Wala itong mabuting idudulot sa kalagayan ng isang buntis kaya naman hindi ito dapat gawin sa Do’s and Don’ts During Pregnancy. Hangga’t maaari, iwasang ang pasusuot ng sapatos na may 2-inches o mas mataas pang takong.

Ang dapat isuot ng isang buntis ay flat na sandals, flip flops, at rubber shoes. Maiiwasan nito ang pagkatisod at ang ma-off balance. Habang lumalaki kasi ang tiyan ni mommy, nagbabago ang center of gravity niya. Ang pagsusuot ng mga flat na sapatos ay makakakaiwas din sa magang paa at binti, pati na rin sa mga paltos.

Huwag Tumayo at  Umupo Nang Matagal



Source: Unsplash

Sa kaalaman ng lahat, ipinagbabawal sa buntis ang labis na pagpapagod at strain sa katawan. Kasama na ang matagal na pag-upo at pagtayo sa hindi dapat gawin ng buntis sa do’s and don’ts during pregnancy.

Ang pananatili sa iisang posisyong nang matagal at walang pagbabago ay maaaring makasama sa buntis. Nagre-resulta ito sa pamamaga ng binti, paa, at sakong. Dinodoble rin nito ang risk ng pagde-develop ng deep-vein thrombosis o blood clot sa ugat. Maaari itong mag-escalate sa pulmonary embolism na delikado at maaaring mauwi sa komplikasyon.

Kung nasa bahay at nakaupo lang maghapon, itaas ang mga paa at mag-stretch paminsan-minsan, Mabuti ring maglakad-lakad kung napapansin mong matagal ka nang nakaupo. 

Mahalaga ito lalo na kapag magta-travel nang long distance sa eroplano o kotse. Mabuting ipaalam sa mga kasama ng buntis na kailangan niyang tumayo, mag-stretch, at gumalaw every few hours. Sa ganitong paraan, mapaghahandaan ang mga posibleng travel breaks para makagalaw-galaw si mommy.

Maging Responsable sa mga Do’s and Don’ts During Pregnancy 


Source: Unsplash

Priority ang kalusugan ni mommy at baby sa pagbubuntis. Kaya naman mahalagang maging maalam sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin sa period na ito. Hangga’t maaari, palaging ikonsulta sa iyong doktor ang mga ginagawa at ipinapasok na pagkain o gamot sa katawan.

Mainam din na mag-research at makipanayam sa mga mommies na nagdaan na sa pagbubuntis para malaman ang kanilang naging experience.

Laging tatandaan na ang healthy mommy ay equivalent sa isang healthy baby. Sundin ang lahat ng Do’s and Don’ts During Pregnancy sa article na ito at magiging smooth at walang hassle ang pagbubuntis ni mommy! 

Leave a Comment