Week 1 – Sintomas ng Buntis
Nagsisimula ang mga doktor sa pagbibilang ng linggo ng pagbubuntis mula sa unang araw ng huling period. Ang ibig sabihin ay hindi pa talaga opisyal na buntis ang isang babae sa unang linggo. Ibig sabihin din ay wala pang sintomas ng buntis na lalabas sa linggong ito. Ang mararanasan lamang ng mga babae ay ang tipikal na sintomas ng regla. Ilan dito ay ang pananakit ng puson at likod.Week 2 – Sintomas ng Buntis
Nagaganap ang ovulation sa ikalawang linggo, o mahigit-kumulang pitong araw mula sa unang araw ng regla. Ang ovary ay maglalabas ng mature egg na pupunta sa fallopian tube kung saan hihintayin nito ang sperm na magfe-fertilize sa kanya. Ilang mga mararanasang pagbabago sa katawan ay ang pagkakaroon ng mas makapal na discharge na halintulad sa puti ng itlog. Maaari rin makaranas ng kaunting pagkasensitibo ng suso, pananakit ng puson, pagnanais makipagtalik, at pagbabago ng cervix.Week 3 – Sintomas ng Buntis
Kapag na-fertilize ang egg ay tatanim ito sa uterine lining. Dahil dito, may ilang babae na makararanas ng pananakit ng puson at spotting o kaunting pagdugo na tinatawag na implantation bleeding. PexelsWeek 4
Sa linggong ito tipikal na tatama ang unang pag-miss ng regla. Dito na rin unang nakikita ang sintomas ng buntis na babae dahil sa pagbabago ng hormones sa katawan. Maaaring makaranas ng pagkasensitibo ng suso, pakiramdam na parang busog, pagod, at pabago-bagong emosyon.Week 5
Ang linggong ito ang simula ng pananatili ng mga sintomas ng buntis. Dito na magsisimulang tumagal ang mga palatandaan ng pagdadalang-tao. Sa ikalimang linggo rin ay makasisigurado ka na buntis ka.Week 6
Sa ikaanim na linggo tipikal na lumalabas ang mga pinakamalalang sintomas. Ilang mga epekto ng pagbubuntis ang:- Matinding pagod
- Matalas na pang-amoy
- Paghanap at pag-ayaw sa pagkain
- Paghihilo o morning sickness
- Pananakit ng ulo
Week 7
Pagdating ng ikapitong linggo, posibleng kasing laki na ng blueberry ang nasa sinapupunan ng nagbubuntis. Dito na rin nagsisimula ang madalas na pag-ihi dahil lumalaki ang uterus at natutulak nito ang bladder. Paniguradong malala at pangmatagalan ang sintomas pagdating sa ganitong panahon. Kung ikaw ay buntis at hindi mo sila gaanong nararanasan, isa ka sa napakakonting mapalad. Tipikal na sa iyong araw ang morning sickness, mag-cramps, magkaroon ng mood swings, madalas na pag-ihi, at spotting. Maaaring matindi na rin ang iyong paglilihi sa mga pagkain at paglalaway. Posibleng magkaroon ka ng tigyawat dahil sa pagbabago ng hormones. Tandaan na normal ang sintomas na ‘to. Ngunit kung ikaw ay nakararanas ng kakaiba o malalang sintomas, maiging kumonsulta sa iyong doktor.Week 8
Tipikal sa ikawalong linggo sa pagbubuntis ang maranasan ang mga nabanggit na sintomas. Wala rin masyadong bago rito bukod sa maaaring pagkakaroon ng kakaibang panaginip. Walang suri tungkol sa aspetong ito, at hindi rin lahat ng buntis ay nakakaranas nito. Ngunit isang posibleng dahilan ay epekto ito ng stress at anxiety dulot ng pagbubuntis.Week 9
Ang ikasiyam na linggo ang simula ng ikatlong buwan ng iyong pagbubuntis. Maraming babae ang nakakaranas ng pag-utot at kahirapan sa pagdumi. Pero kadalasan naman ay nawawala rin ang sintomas na nakaaapekto sa tiyan pagdating ng second trimester. PexelsWeek 10
Sa panahong ito, mas kapansin-pansin ang paglaki ng iyong anak! Maaaring kasinlaki na rin ng tatlong kalamansi ang nasa loob ng sinapupunan mo. Dito na rin lalaas ang tinatawag na pregnancy glow. Ang iba naman ay nadaragdagan ng tigyawat. Normal ito na mga pagbabago kung buntis ka, kaya’t walang dapat ikahiya kung nararanasan mo ito.Week 11
Pwede kang makaranas ng tinatawag na round ligament pain dahil lumalaki ang iyong anak. Maaaring ang sakit ay tama lang pero posible rin na malala ito. Normal din kung ikaw ay makakita ng discharge sa iyong panty. Tinatawag ito na na leukorrhea at inilalabas ito ng katawan mo para maglinis ng bacteria.Week 12
Normal sa ikalabindalawang linggo ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng mas pansin na ugat. Iyon ay dahil sa tumataas ang dami ng dugo sa katawan ng buntis.Week 13
Congratulations at umabot ka na sa huling linggo ng first trimester! Sa panahong ito, magsisimula nang mawala ang karamihan sa sintomas na naramdaman mo sa unang labindalawang linggo. Magpaalam ka na sa morning sickness at constipation! Sa ikalabintatlong linggo ay pwedeng halos kasinlaki na rin ng isang lemon ang nasa loob ng sinapupunan mo.Sintomas Ng Buntis sa Pangalawang Trimester
Sa yugtong ito, makabubuti sa buntis ang mag-exercise. Karamihan na buntis ang nakararanas ng pagbalik ng kanilang sigla at libido sa trimester na ‘to. Dahil dito, ang second trimester ng pagbubuntis ay binansagan na honeymoon phase. PexelsWeek 14
Sa puntong ito, tipikal na sintomas ng buntis ang pagiging magana kumain, pagiging masiyahin, at pagkakaroon ng mataas na libido. Iyon ay dahil sa matinding pagbabago ng hormones sa katawan. Habang ang pagkakaroon naman ng gana kumain ay dulot ng pangangailangan ng buntis sa dagdag na sustansya. Kung buntis ka, nakabubuti kung kumain ka ng marami upang matulungan ang development ng fetus sa sinapupunan. Maiging kumain ka ng masustansyang pagkain at umiwas sa junk food. May ilang mga buntis na nakakaranas ng magagandang pisikal na epekto pagdating ng second trimester. Halimbawa ng kanilang mga nakikita ay pagganda ng buhok kasabay ng pregnancy glow.Week 15
May mangilan-ngilang kakaibang sintomas na mararanasan sa puntong ito. Isa na diyan ay pagkakaroon ng stuffy nose na dala ng karagdagang dugo sa mucus membranes. Maaari ka rin makaranas ng leg cramps sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis. Pagdating ng ikalabinlimang linggo, halos kasinlaki na ng mansanas ang nasa loob ng sinapupunan mo.Week 16
Sa tipikal na pagbubuntis, maraming babae ang nakakaranas ng pagsipa ng baby pagtuntong ng ikalabing-anim na linggo! Maaaring makaranas din ng pag-itim ng balat sa ibang parte ng katawan tulad ng kili-kili, pusod, utong, at singit. Normal itong pagbabago sa trimester na ito. Minsan, may mga babae na umaabot ang pangingitim sa mukha.Week 17
Sa panahong ito, may mga buntis na nakararanas ng tinatawag na “pregnancy brain,” o pagiging mas makakalimutin.Week 18
Simula sa ikalabinwalong linggo, asahan na ang regular na pagtaas ng timbang. Eto ang iba pang maaaring makitang sintomas:- Pagsakit at pagkangawit ng likod dulot ng hormones at paglaki ng tiyan
- Paglaki at pagka-sensitibo ng suso para ihanda ang katawan sa pagpapadede
- Pagiging sensitibo ng tiyan habang lumalaki
- Pagbigat ng timbang
- Pagkakaroon ng stretch marks dulot ng mabilis na paglaki ng tiyan
Week 19
Kasing laki na ng mangga ang sanggol sa sinapupunan pagdating sa ikalabingsiyam na linggo ng pagbubuntis. Para sa mga ibang nagdadalang-tao, maaari silang makaranas ng heart burn mula sa hormones at constipation dulot ng paglaki ng baby.Week 20
Maaaring halos kasinlaki na ng saging ang baby mo pagdating sa ikadalawampung linggo. Sa panahong ito, may mangilang epekto ng pagbubuntis ang magiging dama gaya ng:- Cramps sa binti
- Varicose veins
- Nanunuyot na mga mata
- Pamamaga ng kamay at paa
Week 21
Wala masyadong bagong epektong mararanasan pagdating sa ikadalawampu’t-isang linggo bukod sa minsanang kahirapan sa paghinga. Dahil ito sa pagtulak ng uterus sa diaphragm. Dapat din maging handa sa posibleng Braxton Hicks Contractions. Ito’y parang mild cramps na dulot ng paghanda ng katawan sa sarili nito para sa panganganak.Week 22
Sa iyong ikadalawampu’t-dalawang linggo, maaaring mapansin na gumaganda ang buhok mo at bumibilis ang haba ng kuko mo. Iyon ay dahil nagpapalusog at nagtatabi na ng nutrisyon ang katawan mo.Week 23
Dahil sa paglaki ng baby sa loob ng sinapupunan mo, ang pusod mo na dating innie ay pwedeng maging outie. Normal ito at hindi dapat katakutan kapag nangyari.Week 24
Sa linggong ito, maaaring makaranas ng pagod at kawalan ng gana para sa pakikipagtalik.Week 25
Posibleng makaramdam ng kakaiba sa iyong mga kamay at daliri.Week 26
Sa linggong ito, posibleng makaranas ng mataas na blood pressure, pamamaga, contractions, pagiging limot, sakit sa ulo, at hirap sa pagtulog. Maaari rin na makadama ng pangangati ng balat lalo na sa kamay, paa, at sa tiyan. Kadalasan, nawawala nang mag-isa ang pangangati, pero kung hindi, masosolusyonan ito sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot na nireseta ng doktor.Week 27
May posibilidad na magkaroon ng hemorrhoids sa linggong ito. Ito ang pagkakaroon ng namamagang ugat sa puwitan. Normal ang pagkakaroon ng hemorrhoids sa katawan, pero masakit sila sa pakiramdam kapag sila’y namaga at lumaki. Dagdag sa mga sintomas ang hirap sa pagpigil ng ihi. Dahil nga sa paglaki ng bata, natutulak ang bladder. Kaya naman kahit konting pressure lang, hindi maiiwasan ang basta na lang maihi. PexelsSintomas ng Buntis sa Pangatlong Trimester
Sa mga susunod na linggo, makakaranas ang buntis ng mga sintomas mula sa nakaraang dalawang trimester.Weeks 28–32
Sa loob ng limang linggo na ito ay makakaranas ka ng sakit sa pelvic area, pangangati, pamamaga, pagsakit ng iyong katawan, at pagod. Magsisimula rin muling maging sensitibo ang suso mo para ihanda ang katawan mo sa pagpapadede, at magkakaroon ng manilawnilaw na tulo. Sa panahon na ito, kailangan ay mayroon ka ng breast pump para makarelieve ng sakit. Makakatulong din ito sa pagprepare ng iyong katawan for breastfeeding. Itong breast pump na ito ang aking ginamit noong una kong pagbubuntis. Hanggang ngayon makalipas ang ilang taon ay nagana pa rin. Super comfortable at portable. Kahit saan pwede mong dalhin. Sulit na sulit talaga. Mananatili rin ang heartburn, madalas kang hindi makakapagpigil ng iyong ihi, at mas magiging halata ang stretch marks mo. Maaaring dumalas din ang pagdating ng Braxton Hicks Contractions.Weeks 33–37
Sa mga susunod na linggo, asahan mo na makakaranas ka ng mahihirap na sintomas tulad ng pagod, heartburn, pananakit ng likod, at constipation. Iba pang sintomas na makikita ay pag-ihi nang madalas, sakit sa ulo, hirap sa pagtulog, at malabong paningin, at spotting matapos makipagtalik. Sa yugtong ito, bababa na ang iyong baby sa lower pelvis. At dahil doon, maaaring makaranas ng kaunting ginhawa sa paghinga.Weeks 38–42
Sa mga linggong ito, ang babae ay makakaranas ng makapal na pink discharge o discharge na may dugo. Dahil ito sa pagpakawala ng cervix sa mucus plug. Asahan din makaranas ng hirap sa pagtulog, discomfort sa pelvic area, pag-ihi nang madalas, at pamamaga o pamamanas. Nananatili ang baby malapit sa pelvis sa panahong ito. Handa na siyang lumabas kaya naman natatamaan niya ang mga veins at nerves malapit sa pelvis. Full-term na ang baby, at ang official deadline ng kanyang panganganak ay sa ikaapatnapung na linggo. Pagdating ng ikaapatnapu’t-dalawang linggo, ito na ang tinatawag na “post-delivery.” Nirerekumenda na kumonsulta agad sa iyong doktor kapag nakaranas ng 5-1-1 contractions. Ito ay contractions na tumatagal ng isang minuto kada limang minuto, at nangyayari sa loob ng isang oras. Kapag ganito ang nangyari, ang babae ay maaaring dumaranas ng early labor. PexelsAng Liwanag Ng Pagdadalang-Tao
Ang bawat babae ay may ibang karanasan pagdating sa pagbubuntis. May mga bagay na nangyayari sa karamihan, at may mga bagay naman na sa bilang lamang lumalabas. Ngunit kahit ano pa man ang pinagdadaanan mo, tandaan na ang lahat ng pagbabago sa iyong katawan ay senyales ng nabubuong buhay sa loob mo. Para sa mga hindi nakakaintindi ng hirap ng pagbubuntis, pangit ang stretch marks at iba pang mga pagbabago sa katawan. Pero ang lahat ng iyong mga pagdadaanan ay normal at hindi dapat ikahiya. Dapat nating mahalin ang ating katawan dahil lahat ng katawan ay maganda. Lalo pa nitong pinapakita ang kalakasan niya pagkatapos dumaan sa halos sampung buwan na pagbubuntis. Kaya’t alagaan at mahalin mo rin ang iyong sarili tulad ng pagmamahal na ibibigay mo sa iyong anak.Frequently Asked Questions
Gaano kaaga nagsisimula ang mga sintomas ng pagbubuntis? Maaari madama ang mild spotting at cramping sa unang linggo pa lang ng pagbubuntis. Sa ika-apat na linggo naman ang tipikal na paglabas ng iba pang sintomas. Paano ko malalaman kung ako ay buntis? Maaaring gumamit ng pregnancy test, ngunit maigi na kumonsulta sa doktor para sigurado. Available din ang pregnancy test kits sa botika pero siguraduhin na tama ang paggamit ng kit. Anong feeling sa tiyan sa unang parte ng pagbubuntis? Pwedeng makaramdam ng paghila sa pag-strecth sa tiyan. Ang tawag dito ay abdominal twinges, at ito ay normal sa mga buntis. Anong mga pain ang normal na nararamdaman kapag buntis? Bilang lumalaki ang iyong uterus, normal makaramdam ng cramps sa lower abdomen. Ang sakit ay maaaring kamukha ng nararamdaman kapag may period. Ano ang itsura ng ihi ng buntis? Kapag buntis, maaaring magbago ang kulay ng ihi. Mula sa dating clear o light yellow, pwede maging dark yellow. Ang pagbabago ng kulay ng ihi ay pwedeng dahil sa iba-ibang bagay gaya ng diet at gamot. Anu-ano ang mga kakaibang sintomas ng pagbubuntis? May kakaibang mga sintomas ng buntis na nararanasan ng iba. Ilan dito ay discharge, sipon at flu, heartburn, at constipation. Pwede na bang gumamit ng pregnancy test sa unang linggo pa lang? Sabi ng mga experts ay dapat hintayin muna unang araw ng padating na period. Kung ang period ay na-delay ng isang linggo, doon na maaaring gumamit ng test. Hindi rin garantisado na accurate ang makukuha mong resulta sa paggamit ng test sa unang linggo. Saang bahagi ng katawan nararamdaman ang pregnancy cramps? Nararamdaman ang cramps sa lower back at abdomen dahil sa paglaki ng uterus. Hawig ito ng menstrual cramps. The information on this site is not intended or implied to be a substitute for professional medical advice, diagnosis or treatment. All content, including text, graphics, images and information, contained on or available through this website is for general information purposes only. Please see a medical professional if you need help with depression, illness, or have any concerns whatsoever. WE DO NOT OFFER MEDICAL ADVICE, COURSE OF TREATMENT, DIAGNOSIS OR ANY OTHER OPINION on your conditions or treatment options. SERVICES OR PRODUCTS THAT YOU OBTAIN THROUGH THIS WEBSITE are for information purposes only and not offered as medical or psychological advice, guidance or treatment. We also use some affiliate links in this blog to help support continuous production of wholesome parenting content such as this. 🙂 Feel free to use them to show your support.Latest posts by Kathy Urbanski (see all)