Sa panahon ngayon, mahirap magkasakit, at maaaring sabihin na mas mahirap kung ikaw ay buntis. Ito ay hindi lang dahil sa pisikal na limitasyon, kundi dahil din sa sikolohikal. Ang pagiging buntis ay mahirap pero rewarding. Maraming pagbabago sa anyo ng katawan, hormones, at pagtulog. Ayon sa World Health Organization (WHO), “COVID-19 spreads primarily through close contact with someone who is infected, but it can also be spread if you touch contaminated objects and surfaces.” Ang nasa “low-risk” category ay mga under 60 years old at walang underlying health condition. Ikaw naman ay “high-risk” kung ikaw ay 60 pataas at may underlying health condition.
Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), “COVID-19 is a new disease and there is limited information regarding risk factors for severe disease.” Ayon sa kanila, kahit anong edad ay mas mataas ang risk sa COVID-19 basta may serious medical condition. Ito ay base sa data na mayroon sila. Ang mga tao na nasa “high-risk” na category ay ang mga:
- May chronic lung disease o moderate to severe na asthma
- May serious heart conditions
- 65 years pataas
- Naninirahan sa nursing home o long-term care facility
- May chronic kidney disease undergoing dialysis
- Immunocompromised na mga tao
- May diabetes
- Obese
- May liver disease
Base sa listahan sa taas, hindi nabanggit ang mga buntis. Kahit ang mga pamilya na may kasamang buntis sa bahay. Ayon sa CDC, hindi pa tukoy kung mataas din ang risk ng pagkakroon ng Covid-19 ang mga buntis kumpara sa iba. Maaring may mga changes sa katawan ng mga buntis na nagpapataas ng risk nilang makakuha ng ng mga infection. Pati na rin ng iba pang respiratory illnesses. Ayon pa ito sa information na mayroon ang CDC.
Sa impormasyon na ito, isa lang ang masasabi natin na may kasiguraduhan. Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, kailangan nating lahat mag-observe ng mga safety measures. Para sa mga buntis, bilang mga preggy to mommy, basahin ang mga mahalagang tips para sa safety ng lahat.
Mga Tips para sa mga Buntis:
Grocery Shopping or Essential Needs Shopping
Pagdating sa pagbili ng mga grocery items or essential goods, inirerekomenda na ibang tao na lang ang lumabas ng bahay. Ito ay para mabawasan ang panganib sa buntis. Maaaring ang tatay na lang lumabas, o di kaya ang kasambahay. Pagdating sa bahay, dapat ma-disinfect ng maigi ang mga biniling mga groceries. Dapat ding maligo ang lumabas ng bahay.
Pwede ring subukan ang mga online delivery services tulad ng Grab or Lalamove. Maraming mga grocery stores at restaurants ay partner retailers sa mga delivery services na ito. Mag-iwan ng lugar sa labas ng bahay kung saan maaaring ilagay ng courier ang iyong mga orders. Kung posible, magbayad gamit ng online payment tulad ng bank transfer o GCash.
Hospital Visits or Pre-natal Check-ups
Isa sa pinakadelikadong kailangang gawin ng mga buntis ay ang pagbisita sa kanyang doctor para sa pre-natal check-ups. Ito ay importante para mabantayan ang kalusugan ng anak, pati na rin ang kalusugan ng ina.
Bago lumabas ng bahay, siguraduhin na lahat ng kailangan ay handa na. Magdala ng facemask, gloves, hand sanitizer o rubbing alcohol, twing pupunta sa check-up. Umalis nang maaga at maghanda din ng maaga para walang makalimutan.
Mag-schedule din ng appointments at siguraduhin na ikaw ay makakapunta sa nakatakdang araw at oras. Pagdating sa ospital o clinic, huwag makisalamuha sa ibang tao. Iwasan din ang paghawak sa mga bagay na kadalasang hinahawakan ng mga tao. Ang mga ito ay tulad ng elevator button, stair railing, at door handles. Gumamit ng panyo o magsuot ng gloves sa paghawak sa mga ito.
Ang alternatibong solusyon ay ang home check-ups na ginagawa ng ibang mga doktor o clinic. Tanungin ang inyong doktor kung kaya niyang pumunta sa bahay niyo. Ang disadvantage dito ay hindi magagawa lahat ng tests na kailangan dahil wala ang mga equipment na kailangan. Mahirap din makahanap ng doktor na pumapayag sa ganitong set-up.
Baby Birth or Delivery: Home Birth or Standard (Hospital) Birth?
Ayon sa Healthline, ang ibig sabihin ng planned home birth ay ang panganganak sa bahay at hindi sa hospital or birthing center. Sinasabi rin ng Healthline na sa pagpili ng homebirth ay kailangan pa rin ng assistance ng isang taong experienced at qualified habang labor at delivery. Kasama rito ang mga nurse, midwife, at doctor na nagpapractice ng obstetrics.
Ang mahalagang impormasyon na makukuha dito ay dapat planado ang home birth. Ibig sabihin, ito ay napagpasyahan ng mabuti ng lahat ng involved sa pregnancy. Ang home birth ay hindi last-minute option na biglang gagawin. Tandaan na marami ang pwedeng mangyari na makaka-apekto sa kaseguridad ng labor at delivery ng isang buntis. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang dalawang options, at alamin ang mas mainam na delivery para sa ikabubuti ng ina at ng anak.
Kung ang pinili mo naman ay standard birth o hospital birth, siguraduhin na sanitized ang area kung saan ka ilalagay at i-request, kung maaari, na maglagay ng limitasyon sa bilang ng medical staff na bibisita sa kwarto mo.
Baby Showers or Gender Reveal Parties
Nakaugalian na ng marami na mag-host ng baby showers o gender reveal parties. Ito ay isang get-together kung saan nagaganap ang pagbabahagi ng mahalagang impormasyon para sa buntis at ang pagbibigay ng regalo para sa baby (at minsan kay mommy din).
Dahil sa sitwasyon natin ngayon, inirerekomenda na i-postpone ang ganitong mga social gathering upang maiwasan ang transmission ng virus. Kung ito ay kagustuhan talaga ng buntis, maaaring mag-host ng online baby party gamit ng Zoom, Viber, o Facebook Messenger.
Baby Supplies, Clothing, and Food
Kung hindi pa nakakabili ng mga kinakailangang gamit, damit, at pagkain ng baby dapat simulan ang pamimili nang maaga. Sa panahon ngayon, dapat magplano ng maaga pa lang, at isipin ang mga kailangang items para sa anak para sa susunod na mga buwan. Tulad sa grocery shopping, maaaring mag-order online. Maraming online stores o webstores na nagbebenta ng mga gamit pang-baby tulad ng Lazada o Shopee. Puntahan ang mga webstores at doon na lang muna mag-shopping.
Pregnancy Stress
Nakasaad sa MarchofDimes ang sumusunod:
- Ang stress ay karaniwang nararamdaman sa pregnancy. Ito ay result ng mga physical discomforts at iba pang mga pagbabago na dulot ng pagbubuntis.
- May mga types ng stress na pwedeng magdulot ng serious health problems, tulad ng high blood pressure, and at iba pang problema tulad ng premature birth.
Ang sitwasyon natin ngayon sa global pandemic na ito ay tiyak na makakadulot ng stress sa mga buntis nating mga kasama. Buti na lang at maraming pwedeng gawin upang panatilihing stress-free ang environment sa bahay.
- Communication is key. Ang mga buntis ay dapat kausapin lagi upang malaman kung ano ang mga problema at discomfort na nararamdaman niya. More communication means more chances to solve problems or concerns.
- Pag-aralan ang mga calming techniques mula sa websites tulad ng YouTube. Importante ang paghinga at pag-stretching upang mabawasan ang stress. Alamin kung ano ang mainam na activities para sa isang buntis.
Rest
Ayon sa FamilyDoctor, ang haba ng tulog ay hindi lamang nakakaapekto kay mommy at kay baby pero pati na rin sa labor at delivery. Ang kakulangan ng tulog ay pwedeng magdulot ng complications tulad ng preeclampsia kaya dapat seryosohin ang pagtulog ng mahaba.
Ang pagpapahinga at pagtulog ay importante sa proper growth and development ng mga sanggol. Huwag dapat ito kaligtaan. Ngayon na mas marami nang oras dahil lahat ay nananatili sa bahay, ugaliin matulog ng mahigit walong oras kada gabi.
Do not fear, be educated and well-informed
Bilang buntis, isang soon-to-be mother, dapat maging responsible sa mga impormasyon na nakukuha. Pag-aralan ng maigi ang sitwasyon ngayon. Maging updated sa mga pangyayari at guidelines na ibinibigay ng awtoridad. Siguraduhin na ang impormasyon na nakukuha ay galing sa reliable sources. Maraming pagbabago ang mangyayari sa susunod na mga buwan, pero para ito sa kabutihan ng lahat.
Pangkalahatang Tips:
- Hangga’t maaari, manatili lamang sa bahay.
- Ugaliing mag-exercise araw-araw.
- Laging maghugas ng kamay ng 20 segundo.
- Huwag hawakan ang ilong, mata, o bibig.
- Panatilihin ang distansya sa bawat isa.
- Magsuot ng facemask kung lalabas ng bahay.
- Takpan ang iyong ilong gamit ang panyo pag may ubo o pagbahing.
- Sundin ang mga panuntunan ng awtoridad.
- Kung mayroon kang mga sintomas, humingi ng tulong sa medical experts.
- Laging magkaroon ng alcohol o hand sanitizer.
- Maglinis ng bahay, lalo na ang mga kwarto kung saan laging may tao.
- I-disinfect lahat ng mga kagamitan na nanggaling sa labas tulad ng groceries at delivery items.
- Makipag-usap sa mga kaibigan at kasamahan. Ito ay upang maiwasan ang negatibong kaisipan.
- Makinig lagi sa mga maaasahang balita upang laging up-to-date ang kaalaman.
- Huwag matakot i-report sa nararapat na awtoridad. Ang mga taong nagmumukhang may sintomas ng COVID-19.
- Kumain ng masustansyang pagkain.
- Uminom lagi ng tubig.
- Iwasang magpuyat.
- Kung may karamdaman na emosyonal or sikolohikal, humingi ng medical care.
- Umiwas sa mga lugar kung saan maraming tao.
- Linisin ang mga bagay na laging hinahawakan o ginagamit.
- Iwasan ang paninigarilyo.
Magiging mas challenging ang pagbubuntis ngayong may virus na dapat iwasan. Pero sa tulong ng mga tips na aming ibinahagi, sana ay mas maging mas madali at smooth ang inyong pagbubuntis.
FAQs
What should I do if I get COVID while pregnant?
What is the treatment for COVID in pregnancy?
What should I do if I get COVID during my third trimester pregnancy?
What should I do if I get COVID during my second trimester pregnancy?
What should I do if I get COVID during my first trimester pregnancy?
Will my baby get birth defects if I have COVID during my pregnancy?
When should I go to the hospital if I get COVID while pregnant?
Can I get vaccinated if I have COVID while I’m pregnant?
What should I do if I get COVID 8 weeks into my pregnancy?
What will happen if I get COVID during the early stage of my pregnancy?