ina

Mga Sakripisyo ng Isang Ina

Wonderwoman– yan ang salitang angkop na itawag sa mga ina sa buong mundo dahil sa dami ng sakripisyong kanilang ginagawa. Mula sa pagbubuntis, panganganak, at maging sa paglaki ng kanilang anak ay nariyan lagi ang isang nanay. Siya ay handang magmahal, umalalay, gumabay, at magpatawad nang paulit-ulit. 

‘Di biro ang sakripisyo ng isang ina at nakatitiyak akong walang ibang bagay ang makakapantay dito. Mula sa kanyang pansariling oras hanggang sa pagkain at pagtulog ay handa niyang ialay upang masiguro lamang kapakanan ng kanyang anak. Kaya naman masasabi nga natin na hindi madali maging isang ina, nanay, mommy, mama, o kung ano pang ibang tawag sa isang ina. Bago maging mommy ay dapat maging handa ka emotionally, mentally, at physically. 

Importante rin na bago ka pumasok sa buhay ng isang nanay ay alam mo ang mga sakripisyong kailangang pagdaanan. Kaya tatalakayin ng Preggy to Mommy ang mga ginagawang sakripisyo ng isang ina. 

Buhay

Dapat alam mo na ang pagiging ina ay panghabambuhay. Simula pa lamang sa araw na nalaman niya na siya ay buntis sa kanyang anak ay naguumapaw na ang pagmamahal niya para rito; umaabot pa nga minsang sa puntong handa niyang ialay ang kanyang buong buhay. Maaari nating hatiin ang ang pagsasakripisyo ng buhay ng isang ina sa tatlo phases upang mas maunawaan natin ito.

Sa Pagbubuntis

Source: Flickr

Kung iisipin ay 9 months niyang dadalhin ang bata sa kanyang sinapupunan. Alam ng isang babae na maraming puwedeng mangyari sa loob ng napakahabang panahon na ito. Mga bagay na di natin inaasahan katulad ng pagkakaroon ng complications, pagkakasakit at marami pang iba. 

Ngunit hinaharap ng isang ina ang mahabang panahong ito na puno ng pag-asa at positibong pananaw. Kahit alam niya na nakataya ang kanyang buhay sa pagbubuntis na ito ay buong loob parin niyang sinusuong ang siyam na buwang pregnancy 

Iba’t ibang klase ang pinagdadaanan ng isang ina habang nagbubuntis. Nariyan ang mga pagbabago sa kanyang katawan dahil sa paghahanda nito sa pregnancy. Makakaranas rin siya ng pagsusuka, pagkahilo, pagtamlay kumain o kawalan ng ganang kumain at kung minsan pa nga ay paninikip ng dibdib at hirap sa pag hinga. Ang mga bagay na ito ay normal lamang para sa isang preggy. Ngunit, may mga seryosong kumplikasyon  rin ang maaaring idulot ng pagdadalangtao na maaring maging delikado para sa buhay ng isang ina. 

Ang mga kumplikasyong ito ay maaring high blood pressure o altapresyon. Ang sanhi nito ay ang pagkitid ng dinadaluyan ng dugo mula sa puso hanggang sa iba’t ibang organs ng katawan. Tama nga naman na prone dito ang isang buntis sapagkat sa paglaki ng kanyang tiyan at pagdagdag ng timbang ay maaaring lumiliit ang mga daluyan ng dugo. Maliban dito ay dapat mo ding malaman na masama ito para sa batang dinadala mo sa iyong tiyan sapagkat mahihirapan ang iyong dugo na maabot ang placenta. Ang dugo pa man din ang pangunahing nagbibigay ng sustansa at oxygen sa fetus. 

Maliban sa high blood pressure ay prone din ang isang soon-to-be mommy sa mga impeksyon katulad ng Urinary Tract Infection o UTI. Alam naman natin na ang gamot sa mga impeksyon ay antibiotics na hindi puwedeng bastang inumin ng isang nagbubuntis kaya mas kumplikado itong gamutin para sa kanila. 

Sa Panganganak

Source: Pexels

Ngunit hindi lamang sa pagbubuntis natatapos ang panganib sa buhay ng isang ina. Mula sa pagiging preggy hanggang sa pagiging mommy ay samut-saring mga bagay pa din ang dapat alalahanin. 

Alam mo ba ang sikat na kasabihang iyong maririnig bago manganak or kapag may kakilala kang manganganak? Ito ay ang mga salitang “parang nakabaon ang isang paa mo sa hukay kapag nanganganak”. Ang kasabihang ito ay hindi haka-haka at pananakot lamang. 100% na totoo ito! Buhay ng isang ina ang direktang nakataya kapag siya ay nanganganak.

 

 

Kung minsan ay may takot ngunit hindi niya ito iniinda dahil ang tanging gusto lamang niya ay ang mailuwal ang kanyang anak nang maayos. Mataas na kaso ang naitatalang pagkamatay sa panganganak. Sa isang report noong 2015 ay sinasabing 114 na nanay ang namamatay sa bawang 100,000 na live births. 

Ngunit hindi mo dapat ito ikatakot. Siguraduhin lamang na lagi kang nagpapacheck-up upang masigurong walang magiging complication sa iyong delivery. Sa paraang ito ay masisiguro ang kaligtasan ng mommy pati narin ni baby. 

Sa Pagpapalaki ng Anak

Source: Pixabay

Kapag nailuwal mo na ang baby ay hindi nangangahulugang tapos na ang iyong pagsasakripisyo. Sa mahabang panahon ay iaalay mo ang iyong buhay upang mapalaki ng wasto at maayos ang iyong anak. Kailangan mo siyang tutukan upang masigurado na walang mangyayaring masama sa kanya.

Katulad na lamang sa pagkakasakit ng anak. Hindi ba’t madalas nating marinig na sinasabi ng isang nanay na sana siya na lang ang magkasakit at hindi na lamang ang anak niya. Sa masama at di inaasahang pangyayari ay sasabihin din ng isang ina na sana siya na lang ang maaksidente kaysa sa kanyang baby. Nakakamangha ang pagmamahal ng isang ina, ‘di ba? Handa niyang isakripisiyo ang kanyang buhay huwag lang mapasama ang kanyang anak. 

Maski nga sa simpleng pangyayari sa araw araw ay ganito parin ang pananaw ng isang mommy. “Magutom na ako, huwag lang ikaw ang magutom” o kaya naman ay “Okay lang na ako ang mapagod basta huwag ikaw”– yan ang mga salitang nagpapatunay kung gaano kamahal ng isang nanay ang kanyang anak. 

Oras

Source: PxFuel

Isa rin sa maraming sacrifices ng mga ina sa mundo ang kanilang oras. Madalas ay wala na silang time para sa kanilang sarili dahil sa dami ng dapat punan at sa dami din ng dapat gawin. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay siyam na buwang dinadala ng isang ina sa kanyang womb ang isang baby. Ganito kahabang panahon ang handa niyang igive-up upang mailuwal nang matiwasay ang kanyang anak sa mundo. 

Sa loob ng mahabang panahon ding ito ay mas marami siyang oras na kailangan para maging sure na sya ay healthy at maayos ang kanyang pagbubuntis. Isinasantabi niya ang kanyang oras sa mga bagay sa nakagawian niya dati katulad ng pag gimmick, pamamasyal, pagpunta sa parlor, pagtatrabaho, at marami pang iba para lamang maging maayos ang kanyang pagbubuntis. Mas inuuna niyang mag pa-check up, magpahinga, at uminom ng mga supplements para sa kalusugan nilang dalawang mag-nanay. 

Source: PxFuel

Hindi lang din ito natatapos sa pagbubuntis kundi nagpapatuloy parin hanggang sa pagpapalaki ng anak. Mula pagka-baby hanggang sa paglaki ay inilalaan ang ina ang kanyang oras sa pag-aaruga sa kanyang supling. Bilang isang baby, kailangan nitong kalungin at i-hele para makatulog. Maya’t maya din nitong kailangang dumede at palitan ng bagong diaper. May mga baby pa nga na paiba-iba ang oras ng tulog kaya naapektuhan at tiyak na nagkukulang din ang oras sa pag tulog ng mga ina. 

Lalo na at kapag nagkasakit pa ang bata, mas nag-woworry at wala ng ibang magawa ang isang mommy kundi tutukan at bantayan ang kanyang baby upang masiguro na walang masamang mangyayari dito.
Kung minsan pa nga ay nagkakaroon ng post-partum depression ang isang ina dahil sa pagkawala ng oras para sa kanyang sarili. Ang malalang stage nito ay ang punto kung saan ayaw makasama at makita ng isang ina ang kanyang baby. Ngunit ang bagay namang ito ay mas madaling malalagpasan kung ikaw ay may maayos na support system.

Source: Pexels

Kapag may nararamdaman kang senyales ng post-partum depression ay mas makakabuting ipagbigay alam mo agad ito sa iyong asawa. Mas makakatulong din kung kakausapin mo ang iyong ina patungkol dito. Lagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa sa lahat ng iyong pinagdaraanan.

Habang lumalaki din ang baby ay kailangang ilaan ng isang nanay ang kanyang oras upang turuan na itong kumain ng solid food, magsalita, at matutong maglakad. Dapat nariyan siya lagi; bawat minuto at bawat segundo sapagkat maraming ‘di inaasahang bagay ang puwedeng mangyari.

 

 

Mas nakatutok na rin ang oras ng isang ina kapag nasa toddler stage na ang kanyang anak. Dahil sa puntong ito ay nag-eexperiment na ang bata ng kung anu-anong bagay. Ito na ang stage kung saan malikot na ang isang bata. Dito din sa panahong ito nararamdaman ng isang ina na wala na siyang “Me Time” o kaya naman ay “Quiet Time”. Dahil laging gusto ng kanyang chikiting na nakadikit sa kanya. 

Sasakit din ang ulo ng isang ina dahil makukonsumo ang marami niyang oras sa paglilinis ng kalat ng kaniyang anak. Sa toddler stage din kasi mas nagiging aktibong maglaro ang isang bata. Paniguradong ikakalat at ihahagis niya ang kanyang mga toys kung saan saan.

Source: PxHere

Madalas din kuwento ng mga ina ang mga drawing at mga isinulat ng kanilang mga anak sa dingding ng kanilang bagay gamit ang permanent marker. Kaya naman kung ikaw ay isang ina ay tiyak kong subok na subok na ang haba ng iyong pasensya. Pero kahit ganon, siguradong pagkatapos ng araw ay pagmamahal pa din para sa anak ang mananaig. 

Kapag naman nagsimula nang mag aral ang iyong anak ay kailangan mo parin itong paglaanan ng oras. Hindi dumedepende ang isang ina sa turo sa eskuwelahan bagkus ay kayang nire- reinforce sa bahay ang mga natutunan ng anak niya mula sa paaralan. Sa paraan kasing ito ay magiging  mas mabiis ang pagkatuto at mas mataas ang tinatawag na information retention sa bata.

Ang ina din naman talaga ang unang guro ng anak. Maraming bagay ang matututunan at makukuha ng bata mula sa kanya. Di lamang sa teknikal na kaalaman ngunit pati narin sa mga magagandang asal at disiplina. 

Kahit sa pag laki ng anak ay di pa rin nawawalan ng oras para dito ang isang nanay. Isang sabi lang ng isang anak ay tiyak nandiyan na agad si mommy upang umagapay.

Source: Pikist

Kapag nadapa, may oras si nanay upang iabot ang kanyang kamay upang ikaw ay makatayo. Lilinisan at gagamutin din niya ang iyong mga sugat.

Kung ikaw naman ay may problema, isang tawag o lapit mo lang sa iyong mommy ay lagi siyang may oras upang makinig sa kung ano ang nagpapabigat sa iyong kalooban. Mayroon rin agad siyang mga solution na para sa iyong mga problema. 

Kapag ikaw ay nagugutom, siya ay maglalaan ng oras upang ipagluto ka ng paborito mong pagkain. Makatitiyak ka pa na lagi itong masarap. 

Kapag ikaw ay napagod, ay nandyan pa rin ang iyong mama. Siya ay may oras upang pawiin ang nararamdaman mong hirap at tulungan ka. 

Kaya naman ay wala nang ibang bagay pa sa mundo na mas makakahigit pa sa oras na kayang ibigay ng isang ina para sa kanyang anak. 

Mga Bagay na Kanyang Nakagawian

Dahil sa lubos na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay kaya rin nitong isakripisyo ang mga bagay na kanyang nakagawian. Ito ay mga bagay na parte na ng kanyang buhay bago siya magkaroon ng anak. Mahirap para sa kanyang bitiwan ang mga bagay na ito ngunit para sa ikabubuti at ikasasaya ng kanyang supling ay buong loob niya itong isinakripisyo. 

Unhealthy Habits

Maaring siya ay mahilig manigarilyo o uminom ng alak bago dumating ang baby sa kanyang buhay. Ngunit, dahil alam niyang marami itong masamang bagay na maaring idulot sa kanyang pregnancy ay buong loob niya itong itinigil. Alam mo bang napakahiram ng bagay na ito? Sa pagkat, kapag nasanay na ang iyong katawan na meron sigarilyo at alak sa sistema ay di ito ganoon kadaling iwasan at permanenteng tanggalin. Dadaan ka muna sa tinatawag na withdrawal period kung saan puwede kang magsuka, mahilo, dumugo ang ilong, at mga iba pa.

 

Source: PxFuel

Ngunit, para sa kalusugan ng anak ay pinipili itong  gawin ng isang ina na may nakaugaliang bisyo. 

Maliban dito, kung tamad ang isang babae ay kailangan baguhin na din niya ito kapag siya ay nagkaroon na ng anak. Ang pagkakaroon kasi ng anak ay isang malaking responsibilityna nakapatong sa balikat ng isang soon-to-be mom kaya naman ay kailangan mas maliski ang pagkilos.

Hobbies

Isa rin sa maisasakripisyo ng isang ina ang kanyang hobbies. Ito ay kung mahilig ba siyang magbasa ng mga libro, magpinta ng mga larawan, mag-gardening, at kung anu ano pa. Hindi naman masama o ipinagbabawal na magkaroon ng mga bagay na paglilibangan ang isang ina. Sa totoo nga ay kailangan niya pa ang mga ito upang masatisfy din naman ang kanyang sarili. Ngunit, kapag dumating ang panahon na may kailanganin ang anak ay isinasantabi niya ang mga hobbies na ito upang unahin iyon.

Source: Pickpik

Kapag may sakit ang anak ay mas pipiliin niya pang alagaan at pagtuuanan ito ng atensyon kesa magbasa ang libro. Kapag nagugutom ang bata ay mas uunahin niya pang padedehin o ipagluto ito kaysa diligan ang mga halaman. 

Time with Your Husband

Maski ang oras mo para sa iyong asawa ay tiyak na kakailanganin mong isakripisyo para sa iyong anak. Alam kong hindi lingid sa iyong kaalaman na madaming asawang lalaki ang nagseselos dahil sa rason na ito. Dahil sa mas prayoridad mo ngayon ang pag bibigay ng atensyon at pagtugon sa pangangailangan ng iyong anak ay madalas nawawalan o nagkukulang ka na ng oras para sa iyong asawa.

Source: PxFuel

Darating talaga sa punto na ‘di na kayo makakapag usap nang maayos. Kung minsan nga ay dahil sa sobrang pagod mo sa pag-aalaga ng anak at sa paggawa ng mga gawain bahay, ay di na kayo makakapag laan ng oras para sa mga gawaing mag asawa.

Normal naman itong pinagdadaanan ng maraming mag asawa. Ang solution lang upang maresolba niyo ito ay ang proper communication. Tiyak ako na pag nalampasan niyo ito ay mas mapagtitibay pa ng inyong relasyon.

Appearance


Source: Pickpik

Madalas mo bang marinig ang mga remarks tulad ng “Ang haggard mo naman ngayon”, o kaya “Mag-ayos ka nga!” mula sa iyong mga kaibigan o nakaksalamuha? Handa rin kasing isakripisyo ng isang ina ang kanyang pisikal na itsura.

Dahil sa dami ng pangangailangan ng kanyang anak at sa di matapos tapos na mga gawain sa bahay ay madalas nawawalan na ang isang mommy ng oras upang makapag ayos ng kanyang sarili. Ngunit, para sa kanya okay lang iyon. Ang mas mahalaga para sa isang nanay ay ang matiwasay aT malusog na pangangatawan ng kanyang pamilya. 

Subalit, para sa lahat ng mga mommies diyan, huwag din kalimutan na pagtuuanan ng oras ang inyong mga sarili. Matapos ang lahat ng bagay na inyong ginagawa ay tunay na deserve niyo maglaan ng time para i-pamper ang inyong sarili. 

Sakprisiyo Ng Isang Ina

Tunay nga na isang ginto ang ating mga ina. Sa dami ng kanilang mga sakripisyo ay andyan pa rin sila kaakibat ng lahat. Tunay ngang maituturing nating Wonderwoman ang ating mga ina.

Disclaimer: The information on this site is not intended or implied to be a substitute for professional medical advice, diagnosis, or treatment. All content, including text, graphics, images, and information, contained on or available through this website is for general information purposes only. Please see a medical professional if you need help with depression, illness, or have any concerns whatsoever. WE DO NOT OFFER MEDICAL ADVICE, COURSE OF TREATMENT, DIAGNOSIS, OR ANY OTHER OPINION on your conditions or treatment options. SERVICES OR PRODUCTS THAT YOU OBTAIN THROUGH THIS WEBSITE are for information purposes only and not offered as medical or psychological advice, guidance, or treatment.

We also use some affiliate links in this blog to help support the continuous production of wholesome parenting content such as this. 🙂 Feel free to use them to show your support.

 

FAQs

Ano ang halimbawa ng ina?

Ano ang mga pangalan para sa ina?

Ano ang mga awitin na para sa ina?

Ano ang mga tula para sa ina?

Ano ang mga palabas na para sa ina?

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *