positibong pagdidisiplina

11 Paraan ng Positibong Pagdidisiplina sa Anak na Pasaway

Hindi maiiwasan na sa isang tahanan ay may mga batang pasaway. Nasa nature na kasi ng mga bata ang pagiging makulit at matigas ang ulo. Kadalasan, sa pagkilos nila ini-express ang kanilang nararamdaman. Marahil hindi pa nila kayang ibigkas ang kanilang kinakailangan, kung kaya naman imbes na sa salita ay sa gawain nila ito ipinapakita. Kaya mga mommies, mabuting alamin ninyo muna kung ano ang sanhi ng problema bago kayo magsagawa ng parusang mahigpit. Mas nakabubuti ang paggamit ng positibong pagdidisiplina.

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagiging mga batang pasaway ang inyong mga anak? Alamin natin. Narito ang ilan sa mga posibleng rason.

Mga Sanhi ng Pagiging Batang Pasaway

Ano nga ba ang mga posibleng dahilan ng pagiging pasaway ng iyong anak?

Maaaring nangangailan ng atensyon ang inyong mga anak.

Karamihan sa mga batang pasaway ay gusto lamang ng sapat na atensyon. May mga pagkakataong nagdadabog, nagrereklamo, at nagta-tantrums sila dahil hindi nila nakukuha ang lebel ng atensyon na gusto nila. Natural lamang na magdemand sila ng lambing.

Source

Maaaring nahihirapan ang inyong  mga anak dahil sa mga posibleng kakulangan.

Marami sa kabataan ang kulang sa kasanayan sa iba’t ibang aspeto tulad na lamang ng pakikisalamuha. Marahil ay isa ito sa mga dahilan kung bakit nagmumukha silang mga batang pasaway. Ilan sa mga karaniwang scenarios kapag may ganitong kakulangan ay nanunulak o nanakit ang bata.

Maaaring ginagaya ng iyong mga anak ang madalas nilang nakikita.

Ang mga batang pasaway ay karaniwang hinuhubog ng paligid nila. Kung ano ang madalas nilang nakikita, iyon ang kanilang ginagawa. Inherent kasi sa mga nasa mababang edad ang pagmi-mimic ng mga bagay.

Nag-e-explore sila

Marahil kaya nagiging mga batang pasaway ang iyong anak ay dahil mataas ang kanilang curiosity. Natural ito sa mga nasa murang edad. Hindi pa nila naiintindihan lahat ng nangyayari sa mundo kung kaya naman lahat ay sinusubukan nila. Halimbawa na lamang dyan ay ang pagsubo nila ng kanilang mga laruan.

Source

Gusto nila ng personal space

Mas nagiging matigas ang ulo ng mga bata habang lumalaki sila. Ang pagbabagong ito ay madalas na nakaugat sa kagustuhan nilang magkaroon ng kaunting independence. Halimbawa na lamang nito ay ang pagtakbo nang walang humpay. Marahil ay iniisip nila na kaya na nila kahit na hindi pa naman talaga.

Hindi sanay na kontrolin ang kanilang emosyon

Kung napapansin ninyong hirap sa pagkontrol ng emosyon ang inyong mga anak, huwag kayong mabahala. Natural lamang ito sa mga bata. Kung minsan madali silang malungkot, magalit, mainis, at madismaya. Dahil dito, nakagagawa sila ng mga bagay na hindi naman talaga dapat nila ginagawa. Nababansagan silang mga batang pasaway.

May mga pangangailangan na hindi natutugunan

Dahil nga bata pa sila, sobrang limitado lang ang kanilang mga galaw. May mga bagay na hindi nila kayang gawin sa sarili lamang nila. Halimbawa na lamang ay ang pagkagutom o pagkauhaw. Ang toddlers ang karaniwang sinusumpong kapag hindi napagbibigyan.

Source

May kagustuhan sa kapangyarihan o kontrol

Karamihan sa mga batang pasaway ay naghahanap lamang ng kontrol. May mga pagkakataong gustong maramdaman ng mga bata na may kapangyarihan silang gawin anuman ang nais nilang gawin. Kung nasa ganitong stage ang mga anak ninyo at hindi napagbibigyan, maaari silang mangulit.

Mabigat at mas malalim na problema

May mga pagkakataong kahit mismo ikaw na magulang ay walang kakayahang alamin kung ano ang sanhi ng pagiging sobrang tigas ng ulo ng iyong mga anak. May mga bagay kasi na natutukoy lamang ng mga professional. Isang halimbawa nito ay ang sakit na Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Ano Ang Positibong Pagdidisiplina?

Ayon kay Marisa Lascala ng Good Housekeeping, “Positive Discipline is a method where parents clearly communicate what behaviors are appropriate, which ones are inappropriate, and what the rewards for good behavior and the consequences for bad behavior are.” Imbes na gumamit ng matinding parusa, inuunawaan ang anak.

Ano ang benepisyo ng positibong pagdidisiplina?

Sulat ng Positive Discipline Assocaition, lima ang bunga ng positibong pagdidisiplina:

  1. Helps children feel a sense of connection. (Belonging and significance)
  2. Is mutually respectful and encouraging. (Kind and firm at the same time.)
  3. Is effective long – term. (Considers what the child is thinking, feeling, learning, and deciding about himself and his world – and what to do in the future to survive or to thrive.)
  4. Teaches important social and life skills. (Respect, concern for others, problem solving, communication, and cooperation as well as the skills to contribute to the home, school or larger community.)
  5. Invites children to discover how capable they are. (Encourages the constructive use of personal power and autonomy.)

Mga Paraan ng Positibong Pagdidisiplina sa mga Batang Pasaway

Eto ang halimbawa ng positibong pagdidisiplina sa anak:

Maging gabay kayo ng inyong mga anak sa pagtatama ng kanilang mga mali.

Tulad ng inilahad sa unang parte ng lathalang ito, may tendency na gayahin ng iyong mga anak ang mga bagay na madalas nilang nakikita. Kaya bago pa man sila makagawa ng mali, dapat na silang turuan ng magandang asal. Ang madalas na nagiging problema kung bakit mas tumitigas ang ulo ng mga batang pasaway ay paninisi.

Source

Mas mabisa ito dahil may impormasyon siyang napo-proseso sa isip niya. Kung ang sasabihin mo lang ay huwag manakit ng iba, maaaring ituloy niya pa rin ito dahil walang ibang action na naituro sa kanya. Ang kawalang muwang nila sa kung anong dapat gawin ang dapat i-develop ng mga tulad ninyong mommies. Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga batang pasaway sa inyong bahay.

Magkaroon ng empathy habang itinatama ang inyong mga anak.

Kadalasan, hindi nagpapatalo ang mga batang pasaway. Hangga’t kaya, ipipilit nila na sila ang tama. Kahit na mali ay maninindigan sila na ayos lang ang mga bagay na ginawa nila. Mga mommies, kapag ganito ang inyong sitwasyon, huwag na huwag kayong makikipagbangayan sa inyong mga anak.

Ang pananatiling kalmado ang pinakamabisang paraan upang maayos ito. Halimbawa, pinalo ng inyong mga anak ang kanilang kaklase dahil hindi raw nito isini-share ang laruan nya.

Source

Maaaring ganito ang sabihin nyo.

“Masama ang mamalo at hindi natin pinapalo ang friends natin dahil love natin sila at nakakasakit iyon. Tama ka naman na sharing is good, pero hindi pa rin tama na mamalo tayo ng ibang tao kapag hindi nila shini-share ang gamit nila.”

Magbigay ng choices o pagpipilian upang maikumpara nila ang tama at mali.

Gusto ng mga batang pasaway ng kontrol kung minsan kaya naman mas mabisang bigyan sila nito kaysa parusahan. Sa pagbibigay ng choices o mga pagpipilian, nagkakaroon sila ng kaunting autonomy. Ang paraang ito ang isa sa mga pinakapositibong paraan upang disiplinahin ang mga batang pasaway.

Maaaring ganito ang maging scenario.

“Gusto mo bang magsorry kay Karl para pagaanin ang loob niya o gusto mo munang kumain para kumalma?”

Sa ganitong paraan, hindi napipilitan ang mga bata na gawin ang isang bagay. Naipapakita natin ang ating respeto sa kanilang mga gusto at hindi gustong gawin.

Source

Gawin niyong pagkakataon ang pagkakamali ng inyong mga anak upang sila ay matuto.

Bilang mga gabay, mahalaga na tulungan ninyo ang inyong mga anak na bumangon at matuto sa mga pagkakamaling kanilang nagagawa. Gawin niyo itong opportunity upang turuan sila ng magandang asal. Hindi lamang dapat puro parusa ang inyong atupagin sa tuwing nakagagawa sila ng hindi tama. I-empower niyo sila upang madala nila ang magandang asal hanggang pagtanda.

Ang pagtuturo ng mga tamang gawain ay hindi dapat maging parang lecture sa klase kung saan inilalatag ninyo lamang ang mga maling nagawa ng mga bata. Mas mabuting makipag-communicate kayo nang maayos at intindihin ang kanilang nararamdaman.

Agapan ang misbehavior sa iyong anak.

Tama nga naman ang kasabihang prevention is better than cure. Kung paulit-ulit ang ginagawang mali ng inyong mga anak, alamin ang dahilan kung bakit. Communicate. Maaari niyo silang tanungin kung ano ang nangyayari. Hindi sa lahat ng oras ay sinasagot ito ng mga batang pasaway kung kaya naman dapat pa ring maging mapanuri bilang mga magulang.

Source

Bakit nga ba nagdabog si Dave noong niyaya siya ng kanyang nanay na kumain?

Maaaring dahil sa hindi maayos na transition. Natutulog siya noong mga panahong iyon kung kaya naman siya ay nagdabog. Naistorbo siya sa pagtulog at isa ito sa mga bagay na hindi gusto ng karamihan sa mga bata.

Ipaliwanag ang mga limitasyon ng inyong anak.

Hindi maiiwasan na kung minsan ay masyadong pinu-push ng mga bata ang boundaries nila sa kagustuhang makuha ang isang bagay. Humahanap sila ng mga loopholes upang magawa ito. Kaya naman mahalaga na kausapin sila tungkol sa mga bagay na pwede at hindi nila pwedeng gawin. Magkaroon ng expectation nang sa gayon ay hindi sila mabigla sa tuwing magkakaroon ng pagbabago.

Kadalasan kasi hindi kayang i-handle ng mga bata ang biglaang pagbabago. Kailangan nila ng sapat na oras upang makapag-adjust nang maayos. Mahalaga na sa mga oras na ito ay nakatuon ang buong atensyon nyong mga magulang sa kanila.

Source

Gumamit lamang ng isang salita kung mag-uutos o magtatanong.

Dahil nga hindi pa ganoon ka-articulate ang mga bata, may tendency na gayahin lamang nila ang mga sinasabi mo kung masyado itong kumplikado para sa edad nila. Halimbawa na lamang nito ay ang pagkain ng kulay. Sa halip na sabihin niyo, “Kumain ka ng gulay,” mas mabuting gamitin nyo lamang ang salitang “gulay.”

Mabisa ang ganitong positibong pagdidisiplina sa mga toddlers at pre-school. Sa tuwing inili-lebel niyo ang inyong mga sarili sa inyong mga anak, mas naiintindihan nila ang gusto niyong iparating o sabihin. Ang mga batang pasaway ay bigla na lamang nagiging masunurin.

Hikayatin ang cooperation sa pagitan niyo at inyong mga anak.

Isa ito sa mga bagay na dapat niyong tandaan mga nanay or kahit soon-to-be-mommies. May higit na importansya ang pagkilos ng mga magulang at mga anak nang magkasama. Siguraduhing bumuo ng close relationship upang mas pagkatiwalaan nila ang inyong mga salita.

Source

Ano nga ba ang mga dapat ninyong gawin? Ito ang ilan sa mga bagay na iminungkahi ng mga psychologists para makabuo kayo ng mas maayos na pagsasama.

  • Laging bigyang pagpapahalaga ang nararamdaman at pangangailangan ng inyo mga anak.
  • Hindi lamang ang nararamdaman at pangangailangan ng inyong mga anak ang mahalaga.
  • Subukan ninyong magbrainstorm.
  • Ilista niyo ang mga bagay na maaari niyong gawin.

Hayaan ninyong maranasan ng inyong mga anak ang bunga ng kanilang mga ginawa.

Totoo nga naman na experience is the best teacher. Tama lang naman na maging protective kayo sa inyong mga anak ngunit may mga pagkakataong dapat niyo rin silang hayaan na maranasan ang consequences ng kanilang actions. Kung patuloy niyo lamang silang ilalayo sa mga ganito, hindi sila matututo.

Source

Gayunpaman, siguraduhin na natural consequences lamang ang mga ito at hindi gawa-gawa lang. Marami ang guilty sa paggawa ng consequences para sa kanilang mga anak. Halimbawa na lamang nito ay ganito.

“Kapag hindi ka kumain ng gulay, hindi tayo mamamasyal mamayang hapon.”

Kadalasan ang consequence na ito ay naaayon sa mga magulang ngunit hindi sa lahat ng oras ay dapat itong ginagawa. May posibilidad na lalo lamang maging matigas ang ulo ng inyong mga anak. Ang mga ito kasi ay disguised punishments lamang.

Walang “bad kid”; ang mayroon lang ay “bad behavior.”

Sa pagdidisiplina ng inyong mga anak, ito ang dapat niyong laging tandaan. Hindi sila ipinanganak na masama. Ang mga batang pasaway ay karaniwan lamang nahuhubog ng paligid nila. Hindi talaga nila gustong magdabog, manipa, mamalo, o kaya naman ay mambabalibag ng kung anu-anong gamit. Kadalasan, may rason ang pagta-tantrums nila at responsibilidad ninyong mga mommies na alamin kung ano nga ba ito.

Source

Karaniwang inihahalintulad ang punishment sa konsepto ng pagdidisiplina kahit magkaibang bagay naman talaga sila. Hindi sila synonymous gaya ng iniisip ng karamihan.

Magkaroon ng maingat na transition.

Kung nasanay kayo na punishment ang ginagawang pagdidisiplina sa mga batang pasaway at nais niyo na itong baguhin, siguraduhin lang na dahan-dahan niyo itong gawin. Karamihan sa mga bata ay hindi sanay sa mga agarang pagbabago. Naaapektuhan sila nito sa negatibong paraan. Tama lamang na mag-expect ka ng mga setbacks.

Normal ito sa mga bata. Ihanda mo ang iyong pasensya bago gawin ito dahil mataas ang posibilidad na maging sakit sila ng ulo sa mga panahong ito. Ngunit gumagana ba ang positibong pagdidisiplina? “It all depends on the person or animal you are trying to teach, the behavior displayed, and the desired outcome,” sulat ni Courtney E. Ackerman, MA, ng Positive Psychology.

Sobrang precious ng mga anak para sa kanilang mga magulang, kung kaya naman kung isa kang mommy na naghahanap ng mga lathalang tungkol sa pagiging maayos na magulang, marami kang mapupulot dito sa Preggy To Mommy. Hatid namin ang iba’t ibang tips at hakbang upang mas maalagaan hindi lamang ang inyong mga anak kundi pati inyong mga sarili.

Kathy Urbanski

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *