maagang pagbubuntis
Pregnancy

Isang Gabay sa Maagang Pagbubuntis

Madalas, may mga panahong hindi natin inaasahan, pero nangyayari na lamang sa ating mga buhay. Isang halimbawa nito ay ang maagang pagbubuntis. Kung ikaw man ay ang magulang, kamag-anak, o mismong nagdadalang tao, alamin kung ano ang mga kailangan ninyong gawin.

Datos Ukol sa Maagang Pagbubuntis sa Pilipinas

Out of all Filipinos aged 15 hanggang 19, about 196,000 ang nabubuntis kada taon ayon sa Commission on Population (POPCOM) noong July 2019. Makikita rin sa 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) ang trend ng porsyento ng mga babaeng nasa age range na ito—nag increase ang early pregnancy rate from 7% noong 1993 to 10% noong 2008 at 2013, pero nagdecrease ito ng 9% pagdating ng 2017. Ngunit, kailangan din nating isipin na ang populasyon sa Pilipinas ay tumataas, at lumalaki din ang bilang ng mga porsyentong ito sa ating context. Para naman sa edad na 10 hanggang 14, ayon sa POPCOM ay tumaas ng 63% ang actual na bilang ng mga nakakaranas ng maagang pagbubuntis mula 2011 hanggang 2018. Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Perez III sa isang interview sa CNN, usually, ito ay resulta ng sexual abuse or incest

buntis
Source: Needpix

Ito ang nagiging rason kung bakit pinapatupad ang sex education subjects sa mga paaralan. Ang pag-educate sa mga bata ay pwedeng makatulong sa pag iwas sa mga unexpected pregnancies.

Mga Kadalasang Issue sa Maagang Pagbubuntis

Medically speaking, marami sa kababaihang nagbubuntis nang maaga ang nahihirapan dahil sa mga complex issues. Isa sa mga issue ay ang maagang panganganak, o kaya naman may chance na mayroon silang low birth weight. Mayroon ding higher risk of death. Nakasaad sa World Health Organization, ang maagang pagbubuntis ay associated sa mga health problems katulad na lamang ng anemia, unsafe abortions, o depression. Para naman sa mga adolescents na may maraming partners o kaya may malaking age gap sa pagitan nila ng kaniyang partner, mataas ang risk nila na magkaroon ng sexually transmitted infections katulad ng HIV. 

Source: Pixabay


Most of the time, ang maagang pagbubuntis ay hindi expected. Maliban sa mga komplikasyong nakukuha sa maagang pagbubuntis, meron ding nararanasang financial and emotional burden ang mga maagang nabubuntis. Hindi sila nakapagplano para sa mga realidad ng pagiging isang ina (o ama). Most likely, mag-isa nilang palalakihin ang kanilang dinadalang bata. Meron din kasing social stigma sa maagang pagbubuntis, at ito ay nakakaapekto sa edukasyon at income na maaaring makuha ng ina. Dahil dito, may mga chances na ipa-abort ang baby. 

Ngayong mas malawak na ang inyong kaalaman tungkol sa maagang pagbubuntis sa context ng Pilipinas, talakayin naman natin ngayon kung ano ang mga kailangan mong alamin kapag ikaw o ang inyong anak ay nabuntis nang maaga.

Mga Payo Para sa Maagang Pagbubuntis

1. Sabihin Agad sa Magulang 

Alam naming mahirap sabihin ang totoo sa inyong magulang kung na-confirm niyong kayo pala ay nagdadalang tao. Nakakatakot isipin kung anong pwedeng mangyari o maging tingin sa inyo ng inyong magulang. Pero mas makabubuting sabihin sa kanila ang sitwasyon mo. Huwag mong sarilihin ang problemang ito. Kinakailangan mo ng suporta—emotionally and financially—para na din sa kalagayan mo at ng bata. Kung hindi talaga kaya sa magulang, pwede kang lumapit sa tinuturing mong guardian upang humingi ng gabay sa mga sumusunod na hakbang para sa pagiging Preggy To Mommy.

2. Bumisita sa Doktor

maagang pagbubuntis
Source: Pxfuel

As soon as possible, sana ay makabisita ka sa doktor para sa isang check-up upang malaman kung may mga complications kang kinakaharap. Mas maraming risks at complications ang kaakibat ng maagang pagbubuntis. Ang inyong doktor ang magbibigay sa iyo ng prenatal care plan para panatilihin ang kalugusan mo at ng bata. Pwede din kayong mag-consult sa doktor tungkol sa mga posibleng symptoms. Pwede kang mag-refer sa article na ito tungkol sa sintomas ng buntis para sa mga posibleng tanong mo sa doktor at kung paano ito sosolusyonan.

Merong mga vitamins na pwedeng i-prescribe sa iyo para sa mga symptoms na mararanasan mo habang ikaw ay nagbubuntis. Katulad na lamang nitong prenatal probiotic. Ina-address nito ang mga sintomas ng nausea, indigestion, at constipation. Ngunit inyo pa ring ugaliing mag-consult sa doktor bago kayo sumubok ng mga gamot o supplements sa inyong pagbubuntis.

3. Kausapin ang Ama ng Bata

Source: PxHere

Kung siya man ay kasintahan mo o hindi, importanteng malaman ng ama ng bata na dinadala mo ang kaniyang anak. Kailangan ninyong pag-usapan kung ano ang mga pwedeng gawin para sa ikabubuti ninyong lahat. 

Meron tayong tinatawag na Paternal Uncertainty. Para sa mga babae, madaling isipin na sa kanila ang bata dahil sila ang buntis. Pero sa lalaki, evolutionary itong kaisipan na nagdududa sila kung sa kanila ba ang inyong dinadala. Kahit papaano, you have to assert sa kanila kung sa tingin niyong sila talaga ang ama ng bata. May responsibilidad din siya, bilang ama, na tulungan ka sa kahit anong paraan. 

4. Monitor Your Progress

Pwede kayong kumonsulta sa doktor kung paano ninyo imomonitor ang inyong sarili sa bahay. Pwede ninyong i-check ang iyong BMI, caffeine intake, o kaya naman ang inyong paninigarilyo gamit ang tool na ito. Mahalagang iwasan natin ang bisyo para sa ikabubuti niyong mag-ina.

5. Gumawa ng Safe Space Para sa Iyong Sarili

Habang ikaw ay nagdadalang tao, kailangan mo ng matinding support group. Pwedeng isama dito ang inyong magulang, mga kaibigan, o kaya mga professionals katulad ng counselor o doktor. Tanggalin mo muna ang connection mo sa mga taong alam mong makakasama sa iyo. Hindi natin sila mapipigilang magkaroon ng iba’t ibang judgment tungkol sa iyong sitwasyon. Pero pwede nating limitahan ang mga interactions natin sa kanila para sa iyong peace of mind. 

stress
Source: Pixabay

Higit pa rito, ang iyong mga pregnancy hormones ay dumadagdag sa feeling of stress. Dahil dito, mahalagang mayroon kang environment kung saan makakahinga mula ka sa mga posibleng problema ng mundo. Maari kang maghanap ng exercise routine na naaayon sa mga buntis para manatiling active. Isang halimbawa nito ay ang paglalakad sa labas. Pwede rin kayong mag-travel during the early stages of your pregnancy para makapag-unwind. 

Para sa iyong pananamit, mainam na mag-invest ka sa mga maternity clothes na hindi restricting para sa iyo. Isama niyo na rin ang mga bare essentials. Isang tip para sa inyo: kumuha kayo ng bigger size dahil maaaring mag shrink ang mga ito sa paglalaba. Kung gusto mo namang may surprise gifts, pwede kang mag-avail nitong gift box na magiging fit para sa mga needs mo per trimester. 

6. Educate Yourself

Maiging malaman mo nang mabuti kung ano pa ang pwede mong gawin para maging healthy kayo ni baby. Para sa inyong mga meal plans, pwede niyong tignan ang pregnancy meal guide na ito upang malaman kung ano ang mga naaayong meal plans para sa iyo. Mayroon ding mga pagkain na dapat niyong iwasan. 

Mga Payo Para sa Mga Magulang o Nakatatanda

1. Find Emotional Stability

Given na may mga komplikasyong maaaring maranasan ang mga maagang nabubuntis, sikapin nating bigyan ng safe space ang inyong sarili at ang inyong anak. Huwag natin silang husgahan masyado. Natural na magulat kayo dahil sa ganitong sitwasyon, pero limitahan pa rin nating ipakita sa ating mga anak ang posibleng galit o hiya na nararamdaman ninyo dahil maagang nabuntis ang inyong anak. Most likely ay hindi din nila ito ginusto at ayaw nila kayong i-let down sa expectations niyo. The last thing you will want in this situation ay hindi kayo pagkatiwalaan ng inyong anak habang pinagdadaanan nila ito.

Source: Piqsels

Do not be the main reason that causes them stress. Kung kinakailangan ninyo ng tulong sa pag-stabilize ng inyong mga emosyon at sa pag-iisip kung anong pwedeng gawin para sa inyong anak, you can consult with close family, your friends, or someone you can trust.

2. Prenatal Care Support

Bilang mga magulang, responsibilidad niyong tulungan sila sa kahit anong paraan na iyong makakaya, kahit ito man ay maagang pagbubuntis at hindi inaasahan. Kahit papaano, you will have to direct your child to be practical sa mga decisions niya para sa bata. Pwede niyo silang samahan sa doktor para sa kanilang mga check-ups at bantayan ang progress nila. Bilang napagdaanan niyo na ito, kayo ang mas maalam sa ganitong sitwasyon. Iwasan din ang mga pamahiin sa pagbubuntis. Maaari din kayong maghanap ng mga murang maternity package na pwedeng i-avail ng iyong anak when the time comes.

3. Magtiwala sa Inyong Anak

Huwag ninyo sanang ipilit kung anong gusto niyong mangyari para sa dinadala ng inyong anak. Hindi kailangang ipalaglag ang bata o kaya ipakasal ang inyong anak agad. Give them the possible choices for their situation, pero allow them to decide sa mga rason na pwede ninyong sabihin tungkol sa pagbubuntis nila. Hindi man sila nasa tamang edad noong nabuntis sila, pero iniisip na rin nila ngayon ang kapakanan ng bata at ng kanilang sarili sa sitwasyon na ito. They need your guidance, pero also learn to trust your kids sa ganitong sitwasyon. Hindi nakatutulong na i-pwersa sa kanila ang gusto niyong mangyari dahil ito ay makadadagdag sa guilt na meron sila, na maaaring ikasama ng well-being nila. 

4. Postpartum Support

Source: Needpix

Do not be so hard on your child after they birth. Merong chance na matapos ipanganak ang bata, magkakaroon sila ng postpartum depression. Posibleng makaramdam ang inyong anak ng karaniwang mood swings o anxiety. They can feel na they are not enough, given na ang responsibilidad sa bata ay nahahati sa kaniyang mga magulang. Constantly re-assure how she is still valuable in this world. Paalalahanin ninyong hindi natatapos ang buhay niya sa panganganak, at pwede pa siyang magsumikap para sa kaniyang ikabubuti. 

Ito ang aming mga payo para sa preggy na magiging future mommies. Lagi nating tandaan na nasa iisang community lang tayo. Kailangan nating suportahan ang isa’t isa para sa ikabubuti ng lahat. Sana ay mabawasan ang judgment sa mga dumadanas ng maagang paugbubuntis, at patuloy na i-educate sila sa kung ano mas makabubuti para sa kanila.

Merong African proverb na nagsasabing, “it takes a village to raise a child.” Basically, ang community ay may responsibilidad sa pagpapalaki nito, at makikita ito sa mga interaction na mangyayari habang lumalaki ang bata. Hindi lang mga magulang ang may responsibilidad sa kanilang mga anak. Kaya ay sana, magawan nating lahat ng paraan na mapalaki sila sa isang healthy environment na walang judgment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *